^

Police Metro

Bagyo posibleng pumasok ngayong weekend

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang papasok sa bansa nga­yong Sabado ng gabi o Linggo ng umaga ang isang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsi­bility (PAR).

Ayon sa PAGASA, oras na pumasok sa PAR ay tatawagin itong bagyong Francisco na hindi magla-landfall at walang direktahang epekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Dakong, alas-10:00 ng umaga kahapon, ang bagyo na nasa labas ng PAR ay namataan sa layong 1,850 kilometro ng silangan ng Eastern Visayas taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.

Ang naturang bagyo ay bahagyang lumakas at kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa may Philippine Sea sa kanluran ng Guam.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with