^

Metro

Bebot sabog ang ulo, katawan sa boga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na babae ang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng hindi pa nakikilalang  suspek kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Cora” ng Brgy. 188 Tala, North Caloocan nang datnan ng mga nagrespondeng tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 14 habang nakahandusay sa Langit Road, Barrio San Isidro, ng nabanggit na barangay.

Batay sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Benliner Capili, naglalakad sa Langit Road ang biktima dakong alas-6:15 ng gabi nang tatlong beses umanong paputukan sa ulo at katawan ng nakasalubong niyang salarin.

Ayon sa mga saksi nakasuot ng itim na jacket, itim na cap, puting pantalon, at puting sapatos na nagmamadaling tumakas patungo sa Phase 5, Brgy 176 Bagong Silang, bitbit ang ginamit na baril.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at nagsasagawa na rin ng backtracking sa kuha ng mga CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkaki­lanlan ng salarin habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with