^

Punto Mo

‘Himala’ (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG araw makaraang isagawa ang panibagong xray at iba pang lab test kay Tatay, nagtungo ako sa clinic ni Dr. Gonzales para malaman ang resulta. Gustong sumama ni Tatay pero sabi ko ay baka mapagod siya dahil mainit ang panahon.

“Wala na naman akong sakit ah,” sabi ni Tatay na nakangiti. “Di ba pinagaling na ako ng Diyos?”

“Ako na lang ang pupunta sa clinic ni Doktor. Babalik agad ako.”

“Sige. Pero malakas na talaga ako.  Damang-dama ko ang ginawang pagpapagaling sa akin ng Diyos.”

Napangiti ako. Kitang-kita ko sa mukha ni Tatay ang malaking pag-asa. Wala na nga siyang sakit.

Pagdating ko sa clinic, agad kong nakuha ang resulta ng bagong x-ray at lab tests. Ipinabasa ko kay Dr. Gonzales.

Habang binabasa, patuloy ang pagdarasal ko sa Diyos.

“Cancer-free na ang tatay mo. Walang trace ng bukol,’’ sabi ni Doktor.

Napaluha ako. Lihim akong nagpasalamat sa Diyos.

Nagpasalamat din ako kay Doktor at nagpaalam na.

Pagdating sa bahay, masaya kong binalita ang resulta. Napaiyak lahat kami sa sobrang saya. Totoo ang himala. Dininig ng Diyos ang aming panalangin. Hindi Niya kami pinabayaan.

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with