^

Pang Movies

Gerald durog ang puso, nakalaro pa si Rene!

Nitz Miralles - Pang-masa
Gerald durog ang puso, nakalaro pa si Rene!
Gerald Anderson at Rovelyn Baterbonia
STAR/ File

May lumabas na interview kay Gerald Anderson na nagpahayag ng lungkot at panghihinayang sa sinapit na trahedya nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Sabi ni Gerald, “Yang batang yan, kalaro ko two months ago pa yun. He had a very bright future. Tragedy talaga, nakakadurog ng puso, especially for someone in the basketball world, tapos nakita mo ‘yung potential ng bata.

“Mabait [siya]. I saw his lst message yata sa coach niya, na hindi muna siya uuwi kasi kailangan niyang kumita ng pera dito sa Manila para masuportahan ‘yung pamilya niya. ‘Yun ‘yung true Filipino spirit. Tapos parang ganun lang ang mangyayari sa kanya.

“And I’m sure, ‘yung mga dasal natin, dapat nasa pamilya din niya. Kasi, I’m sure na ‘yung nanay niya e durog na durog. Even with the import (Divine Adili)... Just pray for their souls.

“And you know, it teaches us na dapat maging ano talaga tayo... appreciate every moment na meron tayo, kasi hindi talaga natin alam. But yeah, it’s sad.

“Hanggang ngayon, hanggang paggising ko kanina, pina-process ko pa eh... Talagang nung nalaman ko... akala ko fake eh. Sabi ko, ‘Huh?’ Nung nalaman ko ‘yung balita, nakakadurog ng puso.”

Pati ang mga nakapanood ng interview na ito ni Gerald, nalungkot at nanghinayang din sa sinapit nina Rene at ni Divine. May mga naiyak at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Baterbonia at pamilya Adili. Humihingi rin ang taumbayan ng hustisya sa dalawang nasawi.

Sofronio, kumanta sa kasal ni Jimuel Pacquiao

May Facebook post si Sofronio Vasquez kung saan, kasama niya ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao. Kuha ang larawan sa kasal ng panganay na anak ng mag-asawang Pacquiao.

“Such a special evening in Temecula, California! Sending the biggest congratulations to Emmanuel and Carolina on their beautiful, intimate wedding. It was nice to celebrate alongside their proud parents, Senator Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao. Thank you for having me be a part of your big day.”

Ibig sabihin, si Sofronio ang singer sa nasabing wedding at may nagbiro at nagpahayag ng inggit sa mga bisita sa wedding. Narinig daw nilang kumanta si Sofronio, samantalang sila, sa ASAP pa lang nila ito napanood after winning The Voice USA Season 26.

Wish ng fans ni Sofronio, magkaroon ito ng concert dito sa bansa, affordable raw dapat ang tiket para afford nila. Ang request nila, si Manny ang magprod­yus ng concert para siguradong mura ang tiket.

Rybimb, gustong itapat sa Aldub

Pinag-uusapan pa rin sa X ang tila gagawing love team nina Bimb Aquino at Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga. May nag-comment kasi na parang muling nenerbyusin ang It’s Showtime (IS) kapag ginawa ngang love team ang dalawa.

Itinulad ng netizens sa AlDub nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza ang datingan nina Bimb at Ryzza na nagpatalo noon sa ratings ng IS.

Kung may mga kinilig at nagsabing puwede ang love team nina Bimb at Ryzza, may mga kumontra rin. Bukod sa may GF na raw si Bimb, iba pa rin ang AlDub.

Kayo guys, ano sa palagay ninyo? May chance bang maabot nina Ryzza at Bimb ang kasikatan ng AlDub sakaling gawin nga silang love team? May EB na sila, kailangan na lang ang more TV exposures at magkakaroon din ‘yan ng pelikula sa tulong ni Vic Sotto.

Wala pang naisip ang netizens na ipapangalan sa love team nina Bimb at Ryzza, hintayin natin ang entry ng netizens at kung ano ang kanilang mapipili.

GERALD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with