Bamboo at BINI, may pasabog!
MANILA, Philippines — Umaapaw na kilig at kasiyahan ang mararamdaman ng fans sa ASAP XP sa hatid nitong bonggang performances at surprises, sa pangunguna ni Bamboo, Kapamilya love teams na sina Kyle Echarri at Kai Montinola, Gelo Rivera at Alexa Ilacad, JM Ibarra at Fyang Smith, at Seth Fedelin at Francine Diaz at BINI ngayong Linggo (Hunyo 14), 5:30 p.m. sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel at iWant.
Kamangha-manghang sorpresa ang pasabog ng collaboration nina Bamboo at Sofronio.
Handang-handang bumida sa kilig ang pangmalakasang duet nina Kyle at Kai, Gelo at Alexa, JM at Fyang, at Seth at Francine, kasama ang G-Force.
Hindi dapat palampasin ng Blooms ang hinandang bonggang performance ng BINI.
Mas lalo pang sasabog ang kasiyahan sa handog na kantahan at sayawan nina Darren at Kyle, kasama ang G-Force.
Sunud-sunod na pakulo rin ang dala nina Maymay Entrata, Jane de Leon, Francine, Fyang, AC Bonifacio, at Gela Atayde, kasama ang G-Force.
Magpapakitang-gilas din ng biritan sina Gary Valenciano, Carmelle Collado at Elha Nympha. Kasunod nito ang kamangha-manghang solo ni Erik Santos sa pagkanta niya ng kanyang single na Love Will Lead You Back.
Maki-giling naman sa nag-uumapaw na energy ng sayawan na dala nina AC, Gela, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, at Jane, kasama ang G-Force. Samantala, makikulitan at kantahan din sa solo number ni Martin Nievera.
- Latest





















