Plenary session binoykot ng majority bloc
MANILA, Philippines — Binoykot ng mga Senador sa mayorya ang kanilang session nang hindi ito sumulpot sa kanilang alas-5:00 ng hapon na sesyon nitong Lunes dahil hanggang isinusulat ang balitang ito, wala pang miyembro ng majority bloc.
Tanging 11 miyembro ng minority bloc sa pangunguna ni Minority Leader Vicente Sotto III kasama sina Senador Bam Aquino, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, JV Ejercito, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, Win Gatchalian, magkapatid na Raffy at Erwin Tulfo, at Juan Miguel Zubiri.
Nakatakda sanang mag-resume ang sesyon ng Senado, subalit pagsapit ng alas-6:00 ng gabi nitong Lunes, hindi pa rin nagpapakita sa plenary hall si Senate President Alan Peter Cayetano at ang 12 iba pang mambabatas na bumubuo sa majority bloc.
Ang 13 miyembro ng majority bloc ay sina Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, Loren Legarda, Pia Cayetano, Francis “Chiz” Escudero, Jinggoy Estrada, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Robin Padilla, Joel Villanueva, Camille Villar at Mark Villar.
Ilang oras matapos dakpin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Estrada sa non-bailable offense ng plunder base sa warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan 5th Division, hindi pa nagbubukas ang sesyon.
Base sa Rules ng Senado, kailangan ideklara ni Cayetano ang sesyon kung may force majeure tulad ng bagyo, kalamidad o lindol upang hindi matuloy ang sesyon.
- Latest


















