^

Probinsiya

Aleman tepok sa sunog sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Aleman tepok sa sunog sa Cebu
Kinilala ang nasawing biktima na si  Thomas Hans Schiemmer, tinatayang nasa 70-anyos.
FIle

MANILA, Philippines — Patay ang isang German national matapos itong aksidenteng ma-trap sa loob ng nasusunog na pension house sa Brgy. Guizo, Mandaue City, Cebu nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawing biktima na si  Thomas Hans Schiemmer, tinatayang nasa 70-anyos.

Sa ulat ng Mandaue City Fire Office, nangyari ang sunog dakong alas-4:04 ng madaling araw sa pension house sa F. Cabahug Street, Brgy. Guizo ng lungsod.

Ang bikima ay isa sa mga guest sa nasunog na pension house habang ang isa pang katabi nitong pension house ay nagtamo rin ng pinsala sa insidente.

Ayon kay Fire Officer 1 Ronald Ajero, hinihinalang ang sunog ay nagsimula sa stock room ng pension house kung saan naka-check in ang Aleman pero ayon sa mga staff dito ay may nakita rin silang usok sa reception area.

Ang nasabing dayuhan  ay nasa ikalawang palapag ng pension house na nagtatakbo matapos maalimpu­ngatan nang nababalutan na ito ng makapal na usok at apoy. Nagawa niyang makalabas nang walang galos pero bumalik siya sa tinutuluyang silid upang kunin ang mahahalaga nitong kagamitan pero nabigo nang makalabas nang ma-suffocate sa makapal na usok at nagtamo ng sunog sa katawan na siya nitong ikinamatay.

Naapula ang apoy matapos na mag­responde ang mga bumbero at sa pagtaya ng BFP Mandaue City, nasa P8.73 milyon ang pinsala sa sunog.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with