Sexy actress, nasulot ng negosyante sa pulitiko!
Naghihimutok ang isang kontrobersyal na pulitiko sa ilang kaibigan dahil bigla siyang iniwan ng magandang starlet na nakarelasyon daw nito.
Hindi na bago kay pulitiko ang ma-link sa ilang magagandang sexy stars, kahit alam naman ng lahat na may pamilya na ito.
Pero hindi lang kami sure kung sila pa rin ng asawa niya o matagal nang hiwalay.
Kaya ko nasabing kontrobersyal, dahil nasangkot din siya sa mainit na iskandalo sa pulitika na iniimbestigahan pa rin hanggang ngayon.
Sa kabila nito, makulay ang lovelife niya dahil sa pakikipagrelasyon dito kay maganda at seksing aktres.
Sa totoo lang, hindi ko pa gaanong kilala itong si aktres, pero maganda nga siya at nakagawa na rin ng mga pelikulang pa-sexy at drama.
Matagal-tagal na rin daw ang relasyon ng dalawa, pero kamakailan lang ay iniwan na si pulitiko. Nabalitaan na lang na nasulot pala sa kanya ng mas mayamang negosyante.
Kilala ang pamilya ng negosyanteng ito. Mas bongga ang naibigay ni negosyante. Isang mamahaling kotse na ang sabi ng aming source, worth P5M daw ang halaga. Bukod pa riyan ay may bagong condo unit pa ito sa Makati.
E itong si pulitiko ay kotse at allowance lang ang naibigay sa sexy actress, kaya’t mas malaki-laki ang makukuha niya kay negosyante.
Kaya nagngangawa raw ngayon si pulitiko at nagsusumbong sa ilang kaibigan na ganun-ganun na lang ang ginawa sa kanya, nang tinapatan ito ng mas mayamang nagbigay sa babaeng minahal niya.
Hindi na bago ang ganu’ng kuwento, at sa totoo lang ang dami na ring mga pumasok sa pag-aartista para tumaas lang ang market value.
At lumalaki ang alok sa kanila ng mayayamang lalaki kapag nakakagawa na sila ng pelikula at medyo nakilala na.
Meryll, ‘di inililihim sa anak ang mental health struggle
Isyu pa rin at dapat pa ring pag-usapan ang mental health lalo na sa mga kabataan.
Muli itong binuksan at pinag-usapan ng magkapatid na Elijah at Jerom Canlas sa Virgin Labfest o VLF na nasa pang-21st edisyon na.
Isa sa 12 scripts na napiling mag-perform sa VLFXXI ay itong one-act play na pinamagatang Footprint na sinulat ni Jerom Canlas. Hango ito sa karanasan sa kanilang bunsong kapatid na si JM na nagpatiwakal noong 17 years old pa lamang ito.
Si Elijah Canlas ang gaganap dito kasama sina Meryll Soriano, Jojo Cayabyab at Uddin. First time ito ni Elijah sa VLF at napakahalaga nito sa kanya dahil para ito sa kanilang namayapang kapatid. “Purposeful. Kasi sulat ng kuya ko. Ito iyong importante sa kanya. Dito siya nag-cope, through this,” tugon ni Elijah.
“So being able to perform that and be that character para sa piyesa niya, karangalan para sa akin, and also special para sa akin. Gusto ko talagang gawing maayos, kasi sa kuya ko iyon,” sabi pa ng mahusay na batang aktor.
Nagkaroon na nga ito ng dress rehearsal sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Blackbox Theater) noong Huwebes ng gabi, at nag-iiyakan ang mga nakapanood.
Mabigat kasi talaga ang tema na tumatalakay sa pinagdaraanang depression ng ilang kabataang humahantong sa pagpapatiwakal ang iba. “Mahirap! Mahirap kada rehearsal, mabigat talaga. Pero ganun talaga, kailangang pagdaanan ‘yun para mailahad ‘yung kuwentong ganito.
“Tapos mai-share pa sa maraming tao. Kasi like I said — the more we talk about it, the more na mas mawawala ‘yung stigma.”
Si Meryll ang nanay rito ni Elijah at nagsama na rin sila sa ilang proyekto. “Parang nanay ko na rin po siya sa totoong buhay. So, OK na OK na iyong rapport namin,” sambit ni Elijah.
Parang anak na rin talaga ang turing ni Meryll kay Elijah, lalo na’t Eli rin ang pangalan ng panganay niyang anak. “Yes! 18 na si Eli! My God, may 18-year-old na ako! Nakakaloka!” bulalas ni Meryll nang makatsikahan namin doon sa VLF pagkatapos ng kanilang performance.
Bilang ina ay dapat na mapanood din daw ito ng mga magulang na may mga anak na posibleng dumanas ng depression. “You know naman na malaganap ‘yung mental health na condition sa mga... lalo na sa mga kabataan ngayon. I think para rin sa mga parent na to be part of our children’s lives.
“Kasi, kahit sabihin nila na okay sila, kung hindi ka talaga mangungulit na ‘ano nangyari.’ You know, you really have to be open also. Kasi hindi naman sila mag-o-open up sa ‘yo kung hindi kumbaga, hindi ka aware. So, it’s very important na intindihin ‘yung mga kabataan, at the same time, ma-feel nila na secured and safe sila sa mga nag-o-offer ng help,” saad naman ni Meryll.
Kaya ang sabi ni Meryll, open daw siya sa kanyang anak, at nakatutok din daw siya para sa mental health ng kanyang anak. “I think... kasi si Eli naman, he knows na meron akong bipolar disorder. Kumbaga, I’ve been so open to him, and lagi kong sinasabi sa kanya, ‘ako ay iyong kakampi,’ ‘di ba?
“Ako ang makakaintindi niyan. ‘So, if you need help, huwag mo akong kakaligtaan na hingan ng tulong. Because, I’m the first person na makakatulong sa ‘yo. I will do my best to listen.’ Kahit listen ‘di ba? And offer your help.”
Nakikita naman daw niya ito sa kanyang anak na minsan ay dumaraan sa depression, kaya lagi raw siyang nakatutok. “Dumadaan din naman sila... alam n’yo naman uso ngayon ‘yung depression, ‘yung mga ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder). Kasi nung panahon natin, ‘di ba. Kahit naman ako...19 years na akong diagnosed.
“Siyempre nung unang panahon, 19 years old ano ba ‘yung mental health, ano ba ‘yung bipolar disorder? Ano ‘yun? Ngayon, mas may awareness. So at least, kahit sa the other end of na mga bata, tayong matanda, at least maintindihan na natin ‘yun,” sabi pa ni Meryll Soriano.
- Latest





















