Pangulong Marcos: ‘I disagree’

Sa online voting ng senators
MANILA, Philippines — Hindi pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang amyendahan ang Senate rules para makaboto ang mga Senador.
Sinabi ng Pangulo na pinayagan ang online voting noong panahon na mayroong COVID pandemic dahil sa dalang panganib nito sa kalusugan.
Subalit ngayon aniya ay wala siyang nakikitang magandang dahilan para payagan ito at parang ito ay applicable lamang kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil nagtatago siya.
Giit pa ni Marcos, ngayong hinahanap si dela Rosa ng International Police (Interpol) dahil may warrant sa International Criminal Court (ICC) ay hindi siya dapat bumoto maliban na magtungo siya doon sa Senado at harapin ang panganib nito.
“Kung he’s willing to take the risk like he did the last time, e ibang usapan ‘yun. Basta’t nandiyan siya,” sinabi pa ni Marcos.
Matagal na rin aniyang tradisyon ng Senado na kapag hindi physically present sa floor kapag ginawa ang botohan ay hindi maaaring bumoto.
“Now, for someone who is actualy a fugitive from justice, na hinahanap ng pulis, na hinahanap ng interpol at may arrest warrant galing sa ICC, palagay ko hindi siya dapat bumoto,” pahayag pa ng Pangulo.
- Latest


















