Marcos nababahala sa kaguluhan sa Senado

MANILA, Philippines — Nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyayaring kaguluhan sa Senado.
Ayon sa Pangulo, nagkakatinginan na lang sila ni Executive Secretary Ralph Recto na kapwa rin niya senador noon at nagtatanong kung ganyan ba sila noong senador sila.
“I watched with horror that the Senate has become this,” saad pa ni Marcos.
Nagpepersonalan na rin aniya ang mga senador at ang babaw na ng kanilang mga usapan hindi tulad noon na kung mayroon silang hindi pinag-aayunan ay saka sila mag-i-interpolate.
Maging ang interpolation aniya nila noon ay talagang mabigat, pinag-aralan at no holds barred. Matapos naman nito pag-upo nila ay sabay-sabay silang magkakape at kakain.
“It’s about work. It’s not about personalities. Nagbago eh. Tapos narating pa tayo sa putukan. Tapos fake pala ‘yung putukan. Tapos… Hindi ko maintindihan,” giit pa ni Marcos.
Wala aniyang nangyayaring kagaya nito noong panahon niya sa Senado kaya naikukumpara niya ito ngayon.
- Latest























