Alden, hirap maging surgeon

Kababalik pa lamang ni Alden Richards sa Maynila pagkatapos ng halos isang buwang taping ng Love, Siargao na pinagbibidahan nila ni Nadine Lustre.
Ayon sa Kapuso actor ay talagang na-enjoy ng kanilang buong grupo ang trabaho sa isla ng Siargao. “It didn’t feel like work because what you’re seeing every day. Siyempre ‘yung accommodations namin beach front. So, dagat ‘yung nakikita mo sa araw-araw, kakaiba ‘yon. So, really more of rediscovering different aspects of myself and somehow healing na rin at the same time,” nakangiting pahayag ni Alden sa 24 Oras.
Puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ngayon ng Asia’s Multimedia Star para sa kanyang karakter bilang si Dr. Greyson Lazaro sa Code Gray. Nagkaroon ng immersion ang bida ng naturang GMA Prime series sa Ospital ng Maynila kamakailan upang aralin ang mga salita at galaw ng isang surgeon. “‘Yung proper counting, ‘yung tamang position. And also natutunan ko rin dito ‘yung mga iba’t ibang klaseng stitches when it comes to surgery. Hindi siya madali. Ngayon ko nare-realize na ‘yung expertise nila when it comes to doing these things comes with hard work,” pagbabahagi ng Kapuso actor.
Ayon kay Alden ay makatutulong ang kanyang bagong seryeng gagawin upang bigyang-pugay ang medical practitioners sa bansa. “It’s a way of honoring them as well. Itong project na ito ay mabigyang highlight naman ‘yung mga doktor at medical practitioners natin na nagliligtas ng buhay araw-araw,” paglalahad ng Asia’s Multimedia Star.
Julie Anne, hindi napapagod kay Rayver
Simula June 7 ay mapapanood na ang The Clash Teens sa GMA. Ang magkasintahang sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz pa rin ang magsisilbing Clash Masters sa naturang reality talent show ng Kapuso network.
Kahit kabi-kabila ang ginagawang trabaho ay hindi umano nakararamdam ng pagod si Julie Anne lalo pa’t kasama si Rayver. “Kapag lagi kong kasama si Ray, wala, hindi ako napapagod. Siya ang aking main source of energy ‘pag nandiyan siya,” nakangiting bungad ni Julie Anne.
Para sa dalaga ay importanteng mahal mo ang ginagawang trabaho upang maibsan ang pagod sa bawat proyekto. “I can’t avoid it pero I can handle it. Siguro the best way to handle it is enjoy lang. Kapag kasi love mo ‘yung ginagawa mo or kapag passionate ka sa craft mo, parang everything else just follows,” giit niya.
Malaking bagay rin para kay Julie Anne na ang kanyang nobyo ang nakakasama sa trabaho. Importante para sa Kapuso actress na nagkakaintindihan sila ni Rayver pagdating sa trabaho at lalo na sa personal nilang buhay. “I think dahil medyo matagal na rin kami ni Ray magkakilala and mas matagal na kaming artists kaysa doon sa time na magkakilala kami. Pero even before we were together, talagang best friends kami. So parang we kind of like know each other. Alam namin eh kung paano i-work around and kung may personal na kami kailangang i-handle,” makahulugang paliwanag ng dalaga. (Reports from JCC)
- Latest





















