^

Bansa

Libreng AI powered Philippines law database isinusulong sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maghahain ng panukalang batas si Negros Occidental Rep. Javier Miguel Benitez para sa paglikha ng libre, pinagsama-sama, at AI-searchable na national database ng mga batas at jurisprudence ng Pilipinas.

Ayon kay Benitez, malaking “quiet injustice” ang kasalukuyang sistema kung saan ang mga batas na saklaw ng lahat ay hindi madaling ma-access ng karaniwang mamamayan.

Bagama’t libre ang teksto ng batas sa Official Gazette at Supreme Court E-Library, ang updated at searchable na bersyon ay nakatago sa likod ng mahal na commercial subscriptions.

Itinuro niya ang prinsipyo ng Article 3 ng Civil Code na nagsasabing “ignorance of the law excuses no one,” at ang desisyon ng Korte Suprema sa Tañada V. Tuvera na nag-aatas ng publikasyon ng lahat ng batas. Kung parurusahan ng estado ang mamamayan sa hindi pag-alam ng batas, tungkulin din nitong gawing abot at nauunawaan ang mga ito.

Binanggit ni Benitez ang mga modelo sa ibang bansa gaya ng EU legal database, India Code, AustLII ng Australia, Kenya open law portal, at Cornell LII na may 30 milyong users kada taon.

Dagdag pa niya, may $287-million World Bank facility na nakuha ang Pilipinas noong 2024 na maaaring pagkunan ng pondo.

AI

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with