^

Metro

Sekyu patay sa kapwa sekyu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sekyu patay sa kapwa sekyu
Dead-on-the-spot ang biktimang si Joel Moreno, 48, habang nasa kus­todiya na ng pulisya ang suspek na si Romnick Perote, 34.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang secu­rity guard makaraang ma­kaalitan at mabaril ng kapwa guwardiya, ka­makalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Joel Moreno, 48, habang nasa kus­todiya na ng pulisya ang suspek na si Romnick Perote, 34.

Sa inisyal na report na nakarating kay Caloocan City Police chief PCol. Ruben Lacuesta, nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi  sa guard house ng Park View Heights Subdivision sa Bagombong, North Caloocan .

Naka-duty noon ang biktima nang dumating ang lasing na suspek  na naka-off duty na.

Sinabihan ng biktima ang suspek ng “ bakit ka nandito, alam mo na­­mang sinabihan ka ni commander na bawal ka dito ‘pag nakainom ka” na sinagot naman ng suspek ng “bakit anong gusto mong mangyari?”.

Nauwi sa pagtatalo ang dalawa hanggang hi­nampas ng biktima ang suspek ng walis -tingting.

Kinuha naman ng suspek ang  baril ng biktima sa locker at pinaputukan ng ilang beses ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang pa­ma­maril mabilis na tu­makas ang suspek ngunit nai­timbre na ng Caloocan Police sa Quezon City Police District (QCPD) ang pagtakas nito patu­ngong Novaliches.

Sa isang checkpoint sa Quezon City ay na­aresto ito.

Positibo namang ki­nilala ng mga saksi ang suspek na bumaril at pumatay sa kapwa niya guwardiya. Aminado naman ang suspek sa na­gawa.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with