^

Metro

Lalabag sa liquor ban binalaan ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lalabag sa liquor ban binalaan ng PNP
Ito’ y kasunod naman ng inilabas na Resolution No. 10746 ng Comelec na nagbabawal laban sa pagbebenta, pagbili at maging sa pagsisilbi ng anumang nakalalasing na alak sa bisperas at araw mismo ng eleksiyon.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) na aa­restuhin ang sinumang lalabag sa liquor ban mula Mayo 8 hanggang sa mismong araw ng lokal at pambansang halalan sa Lunes, Mayo 9.

Ito’ y kasunod naman ng inilabas na Resolution No. 10746 ng Comelec na nagbabawal laban sa pagbebenta, pagbili at maging sa pagsisilbi ng anumang nakalalasing na alak sa bisperas at araw mismo ng eleksiyon.

“Anyone found viola­ting any of the provision may face the penalty of imprisonment of not less than one year but not more than six years without probation,” pahatag ni PNP Chief Officer-in-Charge/Security Task Force Commander, Police Lieutenant General Vicente D Danao Jr.  sa nasabing probisyon ng Comelec.

Samantalang, hiniling din ng PNP sa publiko na pairalin ang disiplina at mahigpit na pagsunod sa nasabing direktiba ng Comelec para maiwasan ang komosyon at awayan sa mga krusyal na araw sa paghahalal  sa mga susunod na lider ng bansa .

Inihatag ni Danao na dapat ay magsilbi rin itong paalala sa mga establishment owner na iwasan muna ang pagdi- display sa kanilang mga tindahan ng mga inuming nakalala­sing upang huwag matukso ang mga kustomer na uminom ng alak sa mga pampublikong lugar.

“We just want to maintain our peace and order in every community. Let us exercise the freedom of expression and right to suffrage in a calm and sacred manner,” paalala ni Danao .

Samantalang, isang araw bago ang halalan ay bawal na rin ang ma­ngampanya na mahigpit ding babantayan ng PNP operatives.

“No candidate or supporter is allowed to conduct campaign activities anymore. Anyone who breaks this rule will face an election offense”, babala pa ni Danao.

Samantalang bawal rin sa araw ng eleksyon sa Mayo o ang anumang aktibidades na may kinalaman sa kampanya tulad ng pamamahagi ng campaign paraphernalia lalo na sa mga voting centers. “The PNP will be watchful regarding these prohibitions and will be on alert for possible reports from citizens”, ayon kay Danao

“Further, PNP personnel will not be allowed to get inside the polling pla­ces on election day except in cases of emergency when the Electoral board will seek for their assistance”, dagdag pa ng PNP OIC.

LIQUOR BAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with