^

PSN Showbiz

Mga pilipino abroad, nakiisa sa “Feel Good Pilipinas” dance challenge

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga pilipino abroad, nakiisa sa âFeel Good Pilipinasâ dance challenge

Maliban sa mga artista at mga Pilipinong naghahatid ng liwanag at ligaya sa kanilang kapwa, bumida rin sa Feel Good Pilipinas Special ID ng ABS-CBN ang mga kababayan nating nakiisa sa dance challenge mula sa iba-ibang parte ng mundo.

Kasama ang kanilang mga kaibigan at kapamilya, humataw ang mga Pinoy sa Malta, Hong Kong, Qatar, Canada, USA, Italy, New Zealand, Norway, UK, at France sa bagong dance craze na nagpapaalala na maaari pa ring maging masaya at makulay ang buhay sa kabila ng pandemya.

Napanood rin sa Special ID kung paanong nananatiling parte ng buhay ng mga Pilipino maging sa ibang bansa ang ABS-CBN sa pamamagitan ng iba-ibang plataporma.

Bukod sa Kapamilya Channel at A2Z, napapanood na rin sa buong Pilipinas ang ibang progra­mang Kapamilya sa TV5, sa pamamagitan ng pagre-scan ng mga digital box tulad ng TVplus. Madali ring napapanood ang ABS-CBN shows online sa iWantTFC, WeTV iflix, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, habang nariyan pa rin ang TFC para sa overseas Filipinos.

Samantala, hindi lang global Pinoys ang nakitang umindak sa Feel Good Pilipinas Special ID. Hindi rin nagpahuli ang mga Pilipino na patuloy na nagbibigay saya, nagsisikap para sa pangarap, at naglilingkod sa kabila ng mga pagsubok na dumarating tulad ng MMA Dancers, SPC Dancing Riders, ABS-CBN staff at crew, ABS-CBN dubbers, at ele­mentary school teachers mula sa Surigao del Sur.

Kinilala rin sa video ang bayanihang ipinakita ng community pantry volunteers, ng Pantawid ng Pag-ibig team at partners, at maging mga karaniwang Pilipino, tulad ng isang magtataho at grupo ng mangi­ngisda na hindi nag-atubiling magbigay sa mga nanganga­ilangan.

Kasalukuyang lampas 1 milyon na ang pinagsamang views ng Special ID sa YouTube at Facebook dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao.

ABS-CBN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with