^

Pang Movies

Vice Ganda ayaw pumunta sa kasal ni Anne!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi pa makapagbigay ng detalye si Anne Curtis tungkol sa gananaping kasal nila ni Erwan Heussaff this year.

Say ng isa sa hosts ng It’s Showtime sa thanksgiving presscon ng said noontime show na ginanap last Tuesday, magsisimula pa lang daw silang magplano this April.

“Actually, we’re gonna start planning come the Easter holidays so that’s the time that we’ll start planning,” she said.

When asked kung magiging part ba ng entourage ang lahat ng hosts na It’s Showtime, aniya ay hindi raw lahat pero meron daw of course.

Singit naman ni Vice Ganda, “saka hindi rin naman po lahat, a-attend. Ako, ayokong pumunta” na ewan kung nagbibiro or seryoso.

Hirit naman ni Jugs Jugueta, “unless, sagutin niya ‘yung ticket mo, no?” na tila clue na out of the country or out of Luzon area ang kasal.

“We’ll start planning soon, but it will happen this year,” sabi ulit ni Anne.

Samantala, inihayag ng It’s Showtime family na may malaking pasabog na magaganap ngayong Sabado (March 11) sa Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan na gaganapin pa sa Resorts World Manila.

“Magkakaroon ng winner sa Sabado, promise ‘yun,” say ni Jilmer Dy na isa sa writers ng show, “pero ‘yung proseso kung paano mapunta sa winner, ‘yun ang pasabog.”

Iniharap din sa entertainment press nang hapong iyon ang 10 grand finalists na sina Maricel, Gidget, Marielle, Pauline, Eumee, Noven, Sam, Carlmalone, Froilan at Rachelle.

Joseph nagpaparamdam kay Maja!

Pagkatapos ma-link kay Alex Gonzaga, nananatiling zero ang lovelife ni Joseph Marco at kahit na may bago na raw boyfriend ang dalaga, good friends naman daw sila at happy siya para rito.

Hindi natuloy sa isang relasyon ang pagkakamabutihan nila ni Alex dahil ayon kay Joseph, nasa kanya ang problema at wala sa aktres.

“Siguro, hindi pa ako ready. I mean, may time na nagustuhan ko si Alex pero siguro not enough. Kung baga, hindi ako ready, hindi ako ready talaga. So, wala sa kanya ang problema,” pahayag ni Joseph nang makatsikahan namin siya pagkatapos ng advanced screening ng horror film na Pwera Usog kung saan isa siya sa mga bida.

Nakikita raw niyang very happy na si Alex ngayon sa bagong boyfriend kaya happy na rin daw siya.

“Makita ko lang na masaya siya, makita ko lang na okay ang relationship nila, okay na ako do’n, masaya na ako do’n.”

Bagama’t loveless siya ngayon, Joseph revealed na ang atensyon daw niya ngayon ay na kay Maja Salvador, leading lady niya sa Wildflower.

Type niya ba si Maja?

“Hindi ko sinasabing type ko siya, pero ngayon, ginagawa namin ‘yung Wildflower, naa-amaze ako sa kanya bilang sobrang hardworking niyang babae, sobrang bait niya, parati siyang nagbibigay ng food, ang galing niya umarte, ganu’n siya kaganda, sino ba namang hindi magkakagusto?” pahayag ng aktor.

Pero dahil nga bago pa lang silang magkatrabaho ni Maja, hindi naman daw magandang madaliin niya ang mga bagay-bagay.

“Pero who knows, baka one day, baka magparamdam ako sa kanya,” sey pa ni Joseph.

Samantala, natutuwa si Joseph sa kinalabasan ng Pwera Usog lalo na nga’t nabigyan na Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang idinirihe ni Jason Paul Laxamana.

“Hindi ko talaga ine-expect na mabibigyan siya ng A. Kasi ‘di ba, parang napanood n’yo naman na ‘yun nga, ang daming kalokahan, mga prank-prank, so siguro, nakitaan din nila na maraming matututunan ‘yung mga millenials kaya siguro, ginawa rin nilang A, that’s why, we’re so thankful,” he said.

Nagsimula nang ipalabas kahapon (March 8) sa mga sinehan ang Pwera Usog at kasama rin dito ni Joseph sina Sofia Andres, Albie Casino, Devon Seron, Kiko Estrada, Aiko Melendez, Cherise Castro at Eula Valdez.

 

 

ANNE CURTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with