^

PSN Showbiz

Jodi tutuparin ang pangarap na mag-Audrey

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jodi tutuparin ang pangarap na mag-Audrey
Jodi Sta. Maria

May bulung-bulungan na muling nagkakamabutihan daw sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla. Si Jolo kaya ang magiging escort ng aktres sa Star Magic Ball ngayong Sabado? “Wala, I know that it’s going to be a night full of fun and laughter. I’m so excited to be seeing my brothers and sisters at Star Magic all glammed up and beautiful. Minsan lang kasi sa isang taon nangyayari na lahat kami nagkakasama-sama para sa isang celebration katulad nito,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Si Audrey Hepburn daw ang peg ng aktres para sa kanyang magiging itsura sa nasabing ball. “We wanted a classic and sophisticated looking gown. Ang peg ko talaga ever since is Audrey Hepburn. Kasi napaka-timeless and classic niya. Si Mark (Bumgarner) is one of the young designers na naa-achieve ‘yung gano’ng timeless and classic look,” pagbabahagi ni Jodi.

Elisse gustong maka-level ang KathNiel at LizQuen

Hindi raw inakala ni Elisse Joson na magkakaroon siya ng kabi-kabilang proyekto pagkatapos niyang lumabas ng Pinoy Big Brother house kamakailan. Ngayon ay nakikilala na rin ang kanilang tambalan ng Hashtags member na si McCoy de Leon. “Kami ni McCoy ‘pag nag-uusap kami, lagi naming sinasabi na hindi namin inaakala na magi­ging ganito paglabas namin ng PBB. So far ang daming opportunities and I’m really grateful for that. We’re really excited with what’s to come,” bungad ni Elisse.

Bilang baguhan pa lamang sa show business ay nangangarap daw si Elisse na magiging kasing sikat ng tambalan ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) ang tambalan nila ni McCoy. “Actual­ly all the love teams, parang sinasabi nga na doon ‘yung direction namin. Nakakatuwa din na nasasabi nila ‘yun about us and sa kahit anong love team na parang i-pattern kami, thankful na ako do’n. Ever since kasi nagsisimula pa lang ako or hindi pa kami ni McCoy (ang magkatambal), lahat ng i-pair na love team ina-idolize ko naman,” kwento ni Elisse.

Sa ngayon ay hindi pa raw masabi ng baguhang aktres kung mauuwi sa isang opisyal na relasyon kung ano man ang mayroon sila ni McCoy. “Kung mapupunta tayo do’n tingnan natin. Siya ‘yung lalaki, so dapat siya ‘yung sasagot pero we’ll see,” natatawang pahayag ni Elisse.

Samantala, hindi raw ito ang unang pagkakataon na magiging escort ng dalaga si McCoy sa Star Magic ball na gaganapin sa Sabado. “Naging partners kami sa ball two years ago. Pangalawa na namin ito together. As a girl siyempre maraming kailangan i-prepare with the gown and everything. Si Francis Libiran ang gumawa ng gown ko. I’m going to wear an off-white gown, so excited na ako,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with