^

Police Metro

Sara at Leni dikitan sa presidential race

Ludy Bermudo - Pang-masa

Erwin Tulfo angat sa VP

MANILA, Philippines — Dikitan ang laban nina Vice President Sara Duterte at dating VP Leni Robredo sa inilabas na presidential race survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng Stratbase Group sa unang linggo ng Mayo 2026.

Sa survey nitong Mayo 3-7 mula sa 1,500 respondents, nakakuha si Duterte ng 51% habang 41% naman si Robredo kaya hindi na mahirap habulin ang 10% points, na posibleng mabaligtad pa sa pag-usad ng panahon bago ang halalan dahil may 8% naman na “undecided” o walang pinili.

Sa Mindanao nakuha ni Duterte ang 91% at 7% kay Robredo subalit sa National Capital Region ay halos magkapantay sila na 48% kay Duterte at 46% kay Robredo.

Nanguna naman si Robredo sa Balance Luzon o Luzon sa labas ng Metro Manila sa 55% hanggang 33%.

Sinabi ng founder at professor ng Stratbase Group na si Victor Andres “Dindo” Manhit, ang pangunguna ni Duterte sa Mindanao ay  hindi na “surprising”. Dagdag niya na kung tatakbo si Robredo sa pagkapangulo, maaaring paliitin ang agwat sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanyang bilang sa rehiyon at pag­hikayat sa mga botanteng hindi pa nakakapagdesisyon.

“Historically, no presidential candidate sustains numbers as high as 91 percent throughout an entire national campaign,” aniya pa.

Samantala, nangu­nguna naman si Senador Erwin Tulfo na pinili para sa vice presidential race sa 2028, batay pa rin sa Pulse Asia survey, na pinili ng lima mula sa 10 Pilipino. -

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with