Psychology facts na mapapaisip ka
August 5, 2026 | 12:00am
- Agad lumayo sa taong hindi umaamin ng kanyang pagkamamali at sa halip ay pa-victim pa ang drama nito.
- Sabi ng mga eksperto, ang pinakamagandang oras para makipagtalik ay sa umaga dahil ang ating katawan ay naglalabas ng endorphins na nagpapababa ng blood pressure; at binabawasan nito ang tsansang makadama ng stress. Kung ganito ang mangyayari, magiging maganda ang pakiramdam natin sa isang buong araw.
- Kapag sobrang close ang isang tao sa iyo, naririnig mo ang kanyang boses tuwing binabasa mo ang kanyang text messages.
- Ang taong sobrang mag-isip (overthinking) ay nagiging mabuting kaibigan. Ang over thinking ay ikinokonekta sa pagkakaroon ng empathy o kakayahang maunawaan ang nadadama ng kapwa.
- Ayon sa mga researchers, 70 percent ng mga tao ay hindi alam kung saan sila mahusay o ano ang kanilang “strength”.
- Ang working moms ay mas masaya sa buhay kaysa stay-at-home moms ayon sa pag-aaral na ginawa ng American Psychological Association.
- Ang dalawang epektibong paraan para mapaglabanan ang depresyon ay mag-exercise at mag-alaga ng hayop.
- Sa US, 40 percent ng nanganganak ay mga single.
- Ayon sa namayapang Hollywood actor na si Heath Ledger: Ang iyong tagahanga ay madalas na mga taong hindi mo kakilala at ang iyong number one hater/basher ay madalas na taong kakilala mo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended



















