^

Metro

Bebot kulong habambuhay sa drug trafficking

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes na hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang babaeng sangkot sa ile­gal na kalakalan ng droga  sa Cebu City

Ayon  kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, si Maria Christine Gonzales Abarquez, na kilala rin sa tawag na “Tinang” ay napatunayang nagkasala sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Article 11 (Possession of Dangerous Drugs), ng Republic Act No. 9165, na mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa isang desisyong binubuo ng 22 pahina na may petsang Hulyo 9, 2026, napatunayan ng Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Branch 57 sa Cebu City na nagkasala si Abarquez sa ilegal na pagbebenta ng 996.30 gramo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, at sa pagmamay-ari ng 3,991.26 gramo ng illegal drugs. Hinatulan ng korte ng habambuhay na pagkakulong at inutusang magbayad ng multa na P500,000 para sa bawat paglabag.

Naaresto si Abarquez sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office VII noong Oktubre 11, 2024, sa kahabaan ng Cokaliong Street, Barangay Carreta, Cebu City.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with