^

Pang Movies

Influencer, mahigit P500K maningil

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

MALAKI kung maningil ang isang influencer sa gustong ma-feature ang isang tao na gustong makilala o sumikat.

Pero nagbabahagi naman ng komisyon ang influencer kapag may na-refer na kliyente sa kanya.

Isang negosyante na mayaman ang naghangad na sumikat. Pinatanong niya kung magkano ang sisingilin.

Nawindang nga lang si negosyante sa presyo na mahigit kalahating milyon ang singil, huh!

Maarte rin ang negosyante dahil ayaw niyang nakakabasa ng negatibong komento tungkol sa kanya! Pinatatanggal niya ang negatibong komento sa kanya  na imposible dahil hindi naman lahat eh gusto siya!

Kilala na rin ng mga celeb ang negosyanteng ito!

VMX Star na si Angel, laging luhaan sa bashers

IYAKIN ang VMX star na si Angel Castro. Sa tuwing nakakabasa siya ng negatibong komento sa kanya umiiyak siya!

Eh mula nang piliing maging VMX star, lalong dumami ang bashers niya at sa last interview niya kung saan, nagkaroon ng diperensya ang mata dahil sa paglagay ng false eyelashes, lalong dumami ang bashers niya.

“Nasasaktan ako sa komento nila.  Lalo na kapag sinasabuhan akong pangit! Pangit ba ako?

“Kaya pinipigalan ko nang magbasa. Nagdarasal na lang ako para hindi ako maapektuhan!” pahayag ni Angel sa VMC movie niyang Cream Pie.

Sa isa namang VMX feature, muling mapapanood ang dating Viva Hot Babes sa Viva Hot Babes: Muling Pabukaka! Kaya naman damhin muli ang maiinit na panimula nina Maui Taylor, Katya Santos at iba pa.

Ang hosts ng special feature ay ang VMX babes na sina Zsara Lacsamana at Quennie de Mesa mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio rin sa VMX ngayong August.

ANGEL CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with