^

Probinsiya

Ilog sa Laguna umapaw: 2 bata nilamon ng baha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ilog sa Laguna umapaw: 2 bata nilamon ng baha
Sa ulat ng City Di­saster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang dalawang bata ay magkapatid na nagkakaedad 8 at 10 anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang bata na magkapatid ang nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha sa pag-apaw ng ilog sa Brgy. Mapagong, Calamba City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng City Di­saster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang dalawang bata ay magkapatid na nagkakaedad 8 at 10 anyos.

Samantala, nasagip naman ang ina ng mga bata matapos na tangayin ng flashflood sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga nailigtas ay tinukoy lamang sa mga pangalang Regine, Gilbert Atasan at Jared Benitez.

Base sa report, ang pag-apaw ng ilog at pagbaha ay sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan kung saan naapektuhan ang kabahayan sa tabi ng pampang ng ilog na tinangay at nasira sa flashflood.

Nasa anim na kabahayan ang tinangay ng baha habang nasa 22 naman ang nagtamo ng pinsala sa insidente habang 22 namang pamilya na naapektuhan ang inilikas muna pansamantala. Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng pamahalaang lungsod sa mga pamil­yang naapektuhan ng pagbaha.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with