^

PSN Palaro

Macau silat sa TNT

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Macau silat sa TNT
Nagkasa ng jumper si TNT Tropang 5G shooting guard Jordan Heading kontra kay Macau forward Ramon Cao.
PBA

MANILA, Philippines —  Sinimulan ng TNT Tro­pang 5G ang kanilang pagdedepensa sa korona sa pamamagitan ng pa­nalo bagama’t wala ang ilan nilang key players.

Nalampasan ng Tropang 5G ang kinamadang 36 points ng guest team Macau sa fourth quarter para sa 106-103 paglusot sa PBA Season 50 Go­vernors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si temporary import Darius Days ng 23 points, 6 rebounds at 3 assists para sa 1-0 record ng TNT sa Group A.

Umiskor rin si Rey Nambatac ng 23 points habang may 21 at 11 mar­kers sina Roger Pogoy at Glenn Khobuntin, ayon sa pagkakasunod.

“Obviously, you can’t be satisfied with an ending like that. But at the same time we knew we’re gonna struggle. Number one kulang kami sa players, we’ve got three starters who are not playing,” ani coach Chot Reyes.

Hindi naglaro sina injured Jayson Castro (knee), Calvin Oftana (calf), Poy Erram (knee) at Brandon Ganuelas-Rosser (sprained ankle), habang pansamantalang bumalik si Kelly Williams sa US.

Nagpasabog si import De’Vondre Perry ng 36 points at may 24 mar­kers si point guard Damian Chongqui para sa Macau na laglag sa 0-4 marka.

Ipinoste  ng PLDT franchise ang 101-83 kalama­ngan sa 4:48 minuto ng final canto sa likod nina Pogoy at Nambatac.

Ngunit hindi sumuko ang Macau at nakadikit sa 103-105 mula kina Perry at Chongqui sa natitirang 4.5 segundo ng labanan.

Matapos ang split ni Nambatac sa huling 4.1 segundo para sa three-point lead ng Tropang 5G ay nakuha ni Giant Pandas center Xucheng Liu ang rebound sabay hagis ng bola mula sa halfcourt na hindi pumasok sa pagtunog ng final buzzer.

TNT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with