^

Probinsiya

Military truck grinanada: 2 sundalo, 3 sibilyan sugatan

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Military truck grinanada: 2 sundalo, 3 sibilyan sugatan
Malinaw na nakunan ng camera ang mukha ng riding-in-tandem na nag­hagis ng granada sa tropa ng mga sundalo na sakay ng military truck sa barangay Mother Poblacion sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng umaga. Dalawang sundalo at tatlong sibilyan na nadamay sa pagpapasabog ang sugatan sa insidente.
John Unson

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo at tatlong sibilyan ang nasugatan matapos na hagisan ng granada ng hindi pa nakilalang ri­ding-in-tandem ang isang military truck sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng madaling araw. 

Sinabi ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang mga sundalong sugatan ay kinilalang sina Cpl. Jessie Jay Bulanay, naka civilian attire, na tinamaan ng shrapnel sa kaliwang hita, at ang unipormadong si Cpl. Arnel Calapan, na tinamaan sa kaliwang kamay; ­kapwa kasapi ng 4th Scout Ranger Company ng 2nd Scout Ranger Battalion na naka-base sa bayan ng Shariff Aguak.

Ang 2nd Scout ­Ranger Battalion ay sakop ng Special Ope­rations Command ng Philippine Army ngunit nasa ilalim ng operational control ng 6th Infantry Division ang mga tropa nito sa Maguin­danao del Sur.

Ang dalawang mga Scout Rangers at tatlong sibilyan na sugatan sa grenade explosion na sina John Dave Usman Santiago, Bassir Amban Batong at ang babaeng si Pamiya Upam Bulingkig, ay agad na dinala ng mga emergency responders sa hindi kalayuang Bangsamoro Regional Medical Center sa Shariff Aguak.

Sa report, sinabi ni Captain Steffi Salanguit, spokesman ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM), nangyari ang insidente sa roundball area sa highway ng Brgy. Mother Poblacion malapit sa isang mosque dakong alas-6:26 ng umaga

Sakay ng military KM 450 vehicle ang mga tropa ng 4th Scout ­Ranger Company ng hagisan ng granada ng isa sa dalawang mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo. Masuwerteng hindi umabot sa cargo deck ng military vehicle ang granada, bumagsak sa sementong highway at sumabog malapit sa kinaroroonan ng tatlong inosenteng civilians na nasugatan sa insidente.

Ang tropa ng 4th Scout Ranger Battalion na target ng grenade attack ay patungo sana sa Isulan, ang kabisera ng Sultan Kudarat province, para mamalengke, ayon sa officials ng 6th ID sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with