Jericho, nagpaka-faney sa India!

Ultimate fanboy moment si Jericho Rosales nang dumalo sa premiere ng pelikulang The Odyssey sa Mumbai, India.
Nakita niya roon in person ang mga bida nito na sina Tom Holland at Matt Damon.
Nag-post si Jericho sa Instagram page niya ng mga larawan at video ng kanyang karanasan sa nasabing star-studded premiere.
Kabilang sa mga ipinost niya ay ang mga kuha niya habang nasa sa red carpet, mga close-up photos nina Tom Holland, Matt Damon, at British and American filmmaker Christopher Nolan, pati na rin ang isang picture kung saan makikitang pumupirma ng authograph si Matt Damon habang parang kinakausap siya.
Aniya sa caption: “The mission was easy. Walk. Talk. Get photos taken.
“It was the autographed Muji notepad that killed me for a minute there.
“I feel so alive Coming home with great stories.
“Thank you, @universalpicturesph for sending me to India for @theodysseymovie’s #TheOdysseyMumbaiPremiere!
Richard, may ambag sa direksyon ng Blood vs. Duty
Open si Richard Gutierrez na pasukin ang pulitika kung kinakailangan.
Pero hanggang doon lang muna ang komento ng aktor nang tanungin ko tungkol dito kahapon, sa intimate interview with him and Barbie Imperial para sa finale ng Blood vs. Duty.
Anyway, pinaghahandaan ngayon ng magkarelasyon ang birthday ng actress sa August 1 dahil isang malaking charity event ang gagawin nila sa Bicol.
Bibisitahin nila ang elementary school na pinasukan ni Barbie noon upang mag-donate ng ilang kailangan sa eskwelahan.
Hindi nawawala sa sistema ni Barbie ang pagiging probinsiyana. Lagi niyang binabalikan na lumaki siya sa Bicol na ngayon nagpapatayo siya ng dream house.
May malaking party usually si Barbie tuwing birthday niya, pero this time mas naisip niya mag-charity. “So, parang relax lang kami,” dagdag pa ni Barbie kahapon sa isang intimate interview..
Bukod sa pamilya ni Barbie, may mga kamag-anak pala sila Richard sa Bicol.
At na-trace rin nila na kakilala ng daddy ni Richard, si Eddie Gutierrez, ang lolo ni Barbie.
Samantala, sa pagtatapos ng Blood vs. Duty, maraming rebelasyon ay magaganap ayon sa actor. Ito ay pinagbibidahan nila ni Gerald Anderson
“Maraming mabibigat na eksena. But more than anything, siguro, lahat ng mga katanungan ng mga characters sa story line ay unti-unting masasagot sa finale,” sabi ng actor.
Dagdag pa ni Richard, parang ngayon lang sa kanila nagsi-sink in na patapos na sila. Hindi sila pwedeng magkaroon ng extension dahil sa contract nila sa Netflix. “Alam mo, ngayon pa lang nagsi-sink in na tapos na ang taping. Kasi siyempre, while we were doing the finale, hard work, grind, halos walang pahinga. So ngayon pa lang nagsi-sink in na mami-miss ko na ang taping, ‘yung slow mornings.”
At ano naman ang hindi nila makakalimutang bahagi ang trabaho nila sa nasabing serye : “Memorable siguro ang working with Barbie. May mga eksena rito sa finale na siyang nagpapakilala ng mga revelations. Very vital sa finale namin. So maraming eksenang abangan,” dagdag ni Richard na mismong ang actor ang nagdirek ng mga action scene ni Barbie.
“Mahirap siya. Lahat naman ng teleserye, especially towards the finale, talagang expected na mahirap gawin. But at the same time, it’s memorable. Ito talaga ‘yung first na na-appreciate ko rin ang buong process ng paggawa nito.”
Sabi naman ni Barbie: “He really brings the best out of you, iba rin ang storytelling style niya. Ang maganda sa kanya, meron siyang gustong makita sa character mo sa particular scenes. Pero kapag may suggestions ka or sarili mong take sa character, he allows it.”
Pulos papuri rin si Richard sa karelasyon. “Masarap siyang katrabaho, very professional. Maalaga siya sa set sa akin, and at the same time nakita ko ang husay niya sa pag-arte dito sa Blood vs Duty. Nag-shine talaga ang character niya rito.
“Noong nagsisimula pa lang kami, naalala ko, hindi pa kami nagsisimula sa pagta-taping, lagi siyang kabado. And she was questioning her capabilities as an actress. And I was rooting for her na “kaya mo ‘yan”; study the scripts and the character. Lahat ng kaba niya, worries, nawala.”
- Latest
























