^

Pang Movies

Quezon, naghakot sa EDDYS!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Quezon, naghakot sa EDDYS!
Jericho Rosales at Maris Racal

Ang historical drama film na Quezon ang big winner sa ginanap na 9th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) noong Linggo ng gabi, kung saan nakuha nila ang Best Picture kasama ang Best Screenplay at Best Production Design, habang ang bida nito na si Jericho Rosales ang nagwagi ng Best Actor at Direk Jerrold Tarog ang Best Director.

Si Maris Racal ang itinanghal na Best Actress para naman sa pelikulang Sunshine.

Ang paggawad ng parangal ng EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ay nagbigay-pugay sa mga natatanging pelikulang Pilipino noong nakalipas na taon, na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts.

Kinilala si Jericho para sa kanyang pagganap bilang Pangulong Manuel L. Quezon sa makasaysayang biopic ng TBA Studios.

Samantala, naiuwi ni Maris ang Best Actress trophy para sa kanyang pagganap sa coming-of-age drama na Sunshine, na nanalo rin ng parangal para sa Best Editing.

Sa Best Supporting Actor ay nag-tie sina Will Ashley para sa kanyang papel sa Bar Boy: After School at vocalist / actor Rico Blanco para sa Manila’s Finest.

Si Rochelle Pangilinan naman ang itinanghal na Best Supporting Actress para sa kanyang pagganap sa Cinemalaya movie na Child No. 82.

Sa mga technical awards, ang Salvageland ay nagwagi para sa Best Cinematography, habang ang Manila’s Finest ay nakakuha ng tatlong tropy para sa Best Sound, Best Musical Score at Best Theme Song.

Ang horror anthology na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ay nagwagi ng Best Visual Effects.

Bukod sa mga acting at technical categories, kinikilala rin ng Eddys ang kahusayan at ‘di matatawarang kontribusyon sa pelikulang Pilipino ang mga icon.

Ngayong 2026, hinirang bilang Eddys Movie Icons sina John Arcilla, Edgar “Bobot” Mortiz, Rio Locsin, at Janice de Belen para sa kanilang naging kontribusyon sa pelikula at telebisyon sa loob ng maraming taon.

Ang Isah V. Red Award ay iginawad kina Chaye Cabal Revilla, at Donny Pangilinan, habang ang former showbiz writer / editor turned director na si Joven Tan ang tumanggap ng Joe Quirino Award at  ang beteranong entertainment journalist na si Lhar Santiago ay pinarangalan ng Manny Pichel Award.

Kinilala rin sa 9th EDDYS ang mga Box Office Heroes ng taon: sina Vice Ganda para sa Call Me Mother, Maricel Soriano, at Joshua Garcia (tinanggap ni Merryl Soriano) para sa Meet, Greet & Bye, Kim Chiu, at Paulo Avelino (tinanggap ni Nico Antonio) para sa My Love Will Make You Disappear,  at Richard Gutierrez para sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Patuloy na kinikilala ng EDDYS ang kahusayan sa sining at teknikal na aspeto ng pelikulang Pilipino, kung saan ang mga nagwagi ay pinili ng mga miyembro ng SPEEd, isang organisasyon na binubuo ng mga entertainment editor mula sa mga nangungunang publikasyon sa print at online.

Naging host naman ng 9th EDDYS sina Kim Atienza and Pops Fernandez.

Vice ganda at Vic Sotto, mainit na tinanggap

Magsasama sa unang pagkakataon sa isang pelikula sina Unkabogable Superstar Vice Ganda at Bossing Vic Sotto para sa The Greatest Showdown, mula sa direksyon ni Jun Robles Lana at mapapanood ngayong 2026.

Mainit ang naging pagtanggap ng fans sa pagsasanib-pwersa ng dalawang box office stars matapos i-anunsyo mismo nina Vice at Vic na nais nilang magbigay saya at katatawanan sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pelikula.

“Kailangan namin magsanib-pwersa para ibigay ang tawa, halakhak, at kaligayahan na kailangan ng mga Pilipino. Hardcore, todo-comedy ang gagawin naming dalawa,” pahayag ni Vice tungkol sa pelikula.

Dagdag pa ni Vic, “Ang pelikulang ito ay magbibigay ligaya sa taong bayan. Magpapasaya tayo at magpapatawa tayo. Sinisiguro rin namin na marami kayong mapupulot na aral.”

Ang The Greatest Showdown ang nagsisilbing unang kolaborasyon nina Vice at Vic at ipo-produce ito ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions, at APT Entertainment.

Regine, may kabog na nararamdaman sa pa-free concert

Marami na ang excited sa pagdiriwang ni Regine Velasquez-Alcasid ng kanyang 40th anniversary sa music industry sa pamamagitan ng two nights concert sa SM Mall of Asia Arena sa Oktuber 17 at 18, 2026.

Ang unang gabi ay may bayad ang tiket mula P1,120 hanggang P15,120 na may perks tulad ng meet-and-greets, habang ang Oktuber 18 ay libre sa pamamagitan ng blind ticketing—maaaring magparehistro ang fans sa July 30, 6 p.m. na may isang ID o mobile number na maaaring mag-claim ng hanggang dalawang upuan na random setting.

Aniya ito ay pasasalamat sa kanyang followers na hindi siya iniwan umpisa nung nag-debut siya sa pagkanta noong 1986 na isang paraan ng kanyang pag-lie low sa mga major solo dahil sa mga pagbabago raw ng boses niya kasabay ng pagdag­dag ng edad, na nag-iwan sa kanyang fans na emosyonal na reaction at tinatawag siyang isang tunay na icon.

Pero kabado raw siya. Nay-tweet siya ng : “Hello guys, I’m excited, nervous, and anxious all at once, and my feelings are all jumbled up but most importantly, I’m really grateful. I’m thankful to my sister Cacai because she’s the one who really thought of this, and actually, she’s the producer of this concert—not me. She wanted us to express our gratitude to all of you at my last concert She’s the one who found people to help us so that, somehow, we could get assistance with the costs. As you all know, producing a concert is so expensive these days. Our only request is that for those who can afford it, let’s give the free night spots to those who truly can’t buy tickets. So that those who dream of watching me live can have the chance to see me. Thank you so much for 40 years, love you guys “

 

MARIS RACAL

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with