Miguel, paulit-ulit na nahulog!

Sumubok ng bagong sport si Kapuso actor Miguel Tanfelix at ito ay tinatawag na bouldering.
Ang bouldering ay isang klase ng rock climbing na walang gamit na lubid o harness. Climbing shoes, chalk, at safety mats lang ang kailangan dito.
Na-test nga raw nang husto ang lakas ng mga braso ng Taskforce: Firewall star sa naturang indoor sport.
Sa maikling video na ri-post ng aktor sa Instagram, makikita si Miguel na tumatalon sa iba’t ibang climbing holds. Dahil bago pa lang siya, ilang beses din siyang nahulog pero agad siyang tumayo at sumubok ulit.
Patuloy nga raw ang aktor sa pag-discover ng mga bagong extreme sports na kaya niyang gawin at maa-apply niya sa kanyang trabaho bilang artista.
Hindi lang nga si Miguel ang nahihilig dito — pati ang girlfriend niyang si Ysabel Ortega, mahilig na rin sa bouldering lately.
Lexi, ayaw tigilan ang pagtatanggol kay Gil
Patuloy na pinagtatanggol ng Sparkle actress na si Lexi Gonzales ang kanyang ex-boyfriend na si Gil Cuerva.
Para kay Lexi, hindi kailanman tama na yurakan ang integridad ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga ilegal na content.
Kung matatandaan, nasangkot si Gil at iba pang aktor sa kumalat na mga sex videos sa social media noong nakaraang March.
Inamin ni Lexi na ito ay dahil sa magandang pinagsamahan nila noong sila pa ni Gil. Hindi sapat ang isang pagkakamali para husgahan ang buong pagkatao ng aktor.
Nagpaabot naman daw ng pasasalamat si Gil kay Lexi.
Taylor at Travis, gumastos muna ng 26 milyon sa donasyon
Bago naganap ang “wedding of the year” nila Taylor Swift and Travis Kelce sa Madison Square Garden in New York City, nag-donate ang newly weds nang higit $26 million sa 20 different charities across America.
Naging priority ng bagong kasal ay ang food security para sa maraming pamilya na nangangailangan. Sunod ang edukasyon at medical needs ng maraming kabataan. Pangatlo ay ang pagtulong sa ilang schools para ma-promote ang performance art tulad ng music.
- Latest




















