^

PM Sports

Gilas transition pinadali ng PBA

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkakaroon na ng pagkakataon ang Gilas Pilipinas players na mapadali ang transition sa international style of play at officiating ng FIBA sa bagong mga patakaran na ipapatupad ng PBA simula sa Season 50 Governors’ Cup.

Ayon kina PBA Commissioner Willie Marcial at PBA Board Vice Chairman Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra ay tatanggalin na ang jumpball sa gitna ng court simula sa susunod na conference bilang tulong ng PBA sa Gilas.

Kapalit nito ang possession arrows sa mga koponan tuwing may jumpball katulad ng dating rules ng PBA.

Ito ang iniimplementang rules ng FIBA na siyang makakatulong sa pagsabay ng Philippine national team sa international standards.

Mas mahigpit na officiating din sa “makapal” at “manipis” na tawagan sa fouls ang aampunin ng PBA lalo’t mas pisikalan ang laro sa FIBA, ayon pa kina Chua na nagsisilbing program director at team manager ng Gilas men’s basketball team sa mando ni Ginebra head coach Tim Cone at Marcial bilang Gilas assistant team manager.

Nitong mga nakaraang seasons ay nauna nang ipinatupad ng PBA ang “no floor timeouts” katulad ng FIBA kung saan hindi na pwedeng tumawag ng timeout ang players habang may live play.

Matagal na ring ipinapatupad ang coaches’ challenge tulad sa FIBA pati na ang rules sa goaltending, basket interference at official review.

Tanging ang 12 minutes kada quarter pati na ang 6 fouls sa penalty at graduation kagaya ng NBA at iba pang professional basketball leagues lang ang pananatilihin ng PBA.  

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with