^

Bansa

Paglaban sa korapsyon walang hindi masakit na paraan - Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paglaban sa korapsyon walang hindi masakit na paraan - Pangulong Marcos
Personal na sina­lubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mala­cañang si German President Frank Walter Steinmeir na nasa bansa para sa dalawang araw na state visit. Ang huling pagbisita ng German president sa Pilipinas ay noong 1963.
Yummie Dingding/PPA Pool

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na seryoso ang kanyang administrasyon sa paglaban sa korapsyon sa bansa.

Aminado naman ang Pangulo na walang madali o hindi masakit na paraan para tuluyang masugpo ang korapsyon.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa joint press conference kasama si German President Frank-Walter Steinmeier sa Malacañang nang tanungin siya kung gaano kaseryoso ang kampanya laban sa korupsiyon sa Pilipinas.

Sagot ng Presidente, lubos silang seryoso dahil bawat institusyon, bawat negosyo at ma­ging ang pamahalaan ay naaapektuhan ng mapanirang impluwensiya ng korupsiyon dahil binabago nito ang tamang paraan ng pagpapatakbo ng gobyerno.

Nililimitahan din nito aniya ang kakayahan ng pamahalaan hanggang sa punto na maraming serbisyong nais at kinakailangang maibigay sa mamamayan ay hindi na nito naihahatid.

Ganoon aniya kalaki at kaseryoso ang epekto ng korupsiyon.

Ayon sa Pangulo, kailangang tiyakin ng kanyang administrasyon na hindi na muling mang­yayari ang ganitong mga mapang-abusong gawain.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with