^

PSN Showbiz

NGO, pinayagan ng MTRCB!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
NGO, pinayagan ng MTRCB!
Ang pelikula ay sumailalim sa pagsusuri ng isang Komite na binubuo ng mga abogado at Board Members na sina Cesar S. Pareja, Maria Gabriela R. Concepcion, at Mynoa R. Sto. Domingo.

Matapos dumaan sa mahigpit na review process at serye ng konsultasyon kasama ang National Council on Disability Affairs (NCDA), pinayagan na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng pelikulang Love, NGO na may R-16 classification.

Ang pelikula ay sumailalim sa pagsusuri ng isang Komite na binubuo ng mga abogado at Board Members na sina Cesar S. Pareja, Maria Gabriela R. Concepcion, at Mynoa R. Sto. Domingo.

Ang pelikula na produksyon ng Viva Communications, Inc. ay sumailalim sa masusing pagsusuri matapos magpahayag ng concern ang NCDA hinggil sa paraan ng pagpapakita nito sa ng mga persons with disabilities o PWDs.

Nakipagpulong din nitong Huwebes ang MTRCB sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala Sotto sa mga opisyal ng NCDA na pinamumunuan ni Executive Director Glenda Relova kasama ang mga producer ng pelikula upang linawin ang mga isyung ibinabato sa pelikula.

Ayon sa Board, nakatuon ang naging pag-uusap sa pagtiyak ng sensitibo at responsableng pagtalakay sa mga PWD habang sinusuri rin ang kabuuang konteksto ng pelikula.

Bagama’t napansin ng MTRCB na may ilang eksena sa pelikula na maaaring maituring na diskriminasyon sa mga taong may speech impediment, at may madalas na paggamit ng maaanghang na mura at sexually suggestive na mga salita, sinabi ng Board na nakita pa rin nito ang “redeeming value” ng pelikula kapag tiningnan sa kabuuan.

“The MTRCB appreciates the NCDA’s ongoing efforts to promote inclusive and respectful media portrayals,” ani Sotto.

Tiniyak din ng opisyal na katuwang ng MTRCB ang NCDA sa pagprotekta sa dignidad at maayos na representasyon ng sektor ng mga may kapansanan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with