Reelection ni Sen. Barbers isusulong ng Kamara
February 11, 2004 | 12:00am
Nakakuha ng kakampi si re-electionist Senator Robert Barbers sa Kamara de Representante matapos mangako ang mga kongresista na pag-iibayuhin ang pagsuporta sa kanya para mapabilang sa unang tatlo na may pinakamataas na boto.
Nagkaisa sina Davao City Rep. Prospero Nograles, Cebu Rep. Antonio Cuenco at Nueva Ecija Rep. Aurelio Umali na isulong ang muling pagwawagi ng senador matapos kakitaan si Barbers ng pagsusumikap na tumulong para maipasa ang may 810 House initiated local bills na binigo naman ng mga senador.
Una ng nagbanta ang mga mambabatas na hindi nila susuportahan ang reelection ng mga senador na humahadlang sa mga local bills na isinusulong ng Kamara. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest