^

PSN Showbiz

Awra, ‘di tinatago ang mga nabiling branded items

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Awra, ‘di tinatago ang mga nabiling branded items
Awra
STAR/ File

Mula nang pasukin ang show business ay nagkaroon na ng mga luxury o branded items si Awra Briguela.

Mayroon na ring sariling koleksyon ng mga mamahaling sapatos ang internet sensation ngayon. Ayon kay Awra ay kaunti pa lamang ang kanyang mga nabili sa mga mamahaling gamit dahil marami ring nagreregalo sa kanyang mga kaibigan ng mga bag, sapatos at accessories katulad ni Vice Ganda. “Siguro ‘yung pinakamahal na nabili ko para sa sarili ko is ‘yung mga sapatos, noong nag-start ako mag-collect ng Jordan. Pero ‘yung mga designer items like ‘yung mga bags and accesories, ilang beses pa lang ako bumili for myself. Lahat ng sapatos na kino-collect ko, hindi ako natatakot na i-crease siya. Kasi ‘di ba, binili mo ‘yon and ‘yung sapatos ginawa para gamitin. Pero naiintindihan ko rin naman ‘yung mga iniingatan,” pagbabahagi ni Awra.

Para sa dating batang aktor ay hindi praktikal na bumili ng mamahaling gamit lalo na kung hindi mo naman gagamitin ang mga ito. “Make sure na magamit mo siya at hindi lang siya ipang-display. Kasi kung gusto mong mag-display, bili ka na lang ng paintings. Make sure na hindi siya maiimbak sa bahay n’yo. And make sure na lagi mo siyang magagamit para masabi mo sa sarili mo na, ‘Deserve ko talaga ‘to.’ ‘Yung bibilhin mo dapat sure ka na gustung-gusto mo talaga. Make sure na aalagaan at mamahalin mo ‘yung item na bibilhin mo. Kasi sayang naman ‘yung presyo. Ang mahal-mahal tapos sasayangin mo lang, masisira, mabubulok,” paliwanag niya.

Ryza, nakonsensiya nang mahulog ang anak sa kama

Kamakailan ay nahulog mula sa kama ang anak ni Ryza Cenon na si Night. Magdadalawang taong gulang pa lamang ang anak aktres at kasintahang si Miguel Cruz. “Share ko lang, dahil lumalaki na si Night nagiging malikot at makulit na siya. May gabi na nasa kama s’ya tumutuntong siya sa unan konti na lang pwede na siya mahulog kahit may harang. So ginawa ko pilit kong tinanggal ‘yung unan ayun nagdiretso s’yang nahulog hindi ko nasalo. Dali-dali kong kinuha si Night tapos niyakap ko s’ya nang mahigpit,” kwento ni Ryza sa kanyang Instagram account.

Ayon sa aktres ay talagang nasaktan ang kanyang damdamin bilang isang magulang dahil sa nangyari.

Aminado rin si Ryza na siya ang may kasalanan kung bakit nahulog ang anak mula sa kama.  “Naiyak ako kasi ako ang may kasalanan kung bakit siya nahulog tapos sorry ako nang sorry. Grabe, sakit pala sa pakiramdam kapag nasasaktan mo anak mo. Next time magiging careful na ako. May moment din ba kayo ng ganun? ‘Yung hindi n’yo sinasadyang nasaktan ang baby n’yo?,” dagdag ng aktres.

(Reports from JCC)

AWRA BRIGUELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with