^

Bansa

Pondo sa increase sa sahod ng mga pulis at sundalo hindi umabot

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malabong magkaroon ng pagtaas sa sahod ng mga pulis at sundalo sa susunod na taon dahil hindi ito nakasama sa panukalang pambansang budget para sa 2017 na isusumite na ng Malacañang sa Kongreso sa susunod na linggo.

 Ito ang sinabi kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na itataas ang sahod ng mga pulis at sundalo simula ngayong taon.

 Ayon kay Lacson ang maaari na lamang gawin ng Pangulo ay magsumite ng supplemental budget para matupad ang kanyang pangako sa mga pulis at sundalo.

 Lalong malabo aniya ang sinasabing incremental increase sa sahod ngayong Agosto dahil wala namang nakalaang pondo para rito.

 Bagaman at posible aniyang magbawas ng pondo sa ibang ahensiya upang ilaan sa naipa­ngakong taas sa sahod, masyado naman itong maliit dahil ang pinag-uusapan ay nasa 140,000 hanggang 150,000 na mga police officers bukod pa sa 150,000 na mga military personnel.

 Pero ayon kay Lacson maaari namang gawin ng Pangulo ang kanyang ipinangakong increase sa 2018.

 Naniniwala si Lacson na hindi maaaring sabihin na pinaasa lamang ng Pangulo ang mga sundalo sa ipinangakong increase dahil magiging “continuous” o tuloy-tuloy naman ang magiging pagtaas sa kanilang sahod.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with