‘Of Forevers & Foretellers’

Nang si Alden ay mag-guest sa The Ryzza Mae Show,

September 20 last year nung nangyari ito,

Sa kalagitnaan ng kanilang interview,

Sa mga naganap ngayon tila may preview!

 

Nang si Aleng Maliit magtanong sa kanya

Kung ano ba ang type n’ya na mapangasawa,

Mabait at mapag-alaga ang gusto n’ya,

Ang sabi ni Ryzza, “Kailangan mo … YAYA!”

 

Ngek! Yaya! Yaya! Narinig n’yo ba? Did you hear?

Este, nabasa n’yo ba? Did you read? That’s better …

He, he … at kung sa iba ay walang “forever”

Siguro naman sa nangyari may FORETELLER!

 

Korek! May Propeta! Asawa ni … Propeto?

O si Alden na nga ang nagpabisto mismo?!

Kung kaya biru-biruan man o totoo,

Ang PINAKATOTOO pagdating sa dulo!

 

At ‘yan ang madalas sinasabi ng iba,

“At the end of the day” … ginawang ARAWAN ba!

Kunsabagay ang nangyari ay NUNG ARAW pa!

Ngek! Teka, kung saan-saan tayo napunta!

 

Kunsabagay uli ganyan naman talaga

Ang tinakbo ng KALYESERYE at istorya,

Sa ALDUB, kay Lola Nidora at Tidora,

Ang mahalaga: Basta ba nakakatawa!

 

Eat, Bulaga! naman sa ganyan ay sanay na,

Kami ma’y kung saan-saan na rin napunta!

Naka-TATLONG NETWORKS na nga kami hindi ba?

May nakapag-foretell ba? Meron bang Propeta?

 

MERON!  At ‘yan ay ang the late Bobby Ledesma,

Kasama namin nung araw sa Discorama,

At ipinagmamalaki namin syempre pa,

Sa Student Canteen kami ay VERY PROUD EXTRA!

 

Hanggang isang araw ‘di nagkaintindihan,

Labag man sa’min kami’y nagpaalamanan,

Naniwala kasi sila ay tatapatan

Ng palabas naming tatlo sa tanghalian!

 

Totoo namang may mga “nagliligawan”

Subalit pansin hindi namin binibigyan,

Tapat kami noon sa pinaglilingkuran,

Well, wala nga sigurong MAGPAKAILANPAMAN!

 

At ang nangyari pa nga sa totoo lamang,

Kami’y naghintay ngunit ‘di na tinawagan,

Lumipas ang linggo aming nabalitaan,

Ouch! Kaming tatlo na pala ay pinalitan!

 

Kahit ano’ng sabihin ‘di na pinakinggan,

Paniwala ni Bobby na’y pinanindigan,

At bago kami naghiwalay nang tuluyan,

May sinabi s’yang ‘di namin malilimutan —

 

 

“REMEMBER, IF YOU BEAT US YOU’D BE

THE BIGGEST STARS!”

 

 

Well, hindi man kami ni Bob naging forever,

Siya naman ay naging very good foreteller!

‘Yung tungkol BIGGEST STAR? Well, we got something BIGGER!

 Our biggest and greatest gift too — WE HAVE STAYED LONGER!

 

Well, op kors pagtagal tinanggap na rin namin

Ang isa sa TATLONG nanliligaw sa amin!

Naturalmente naman ano ba gagawin

Eh walang trabaho at wala nang makain?!

 

Thank you Eddie Ilarde and Bobby Ledesma,

Hanggang ngayon kayo pa ri’y kasa-kasama,

Initials n’yong “E” and “B” ‘di n’yo ba napuna?

Initials din ng Eat, Bulaga! O, ayos ba?

 

‘Yan ang mahaba naming KALYOSERYE naman!

Kinalyo na sa pakikipagsapalaran!

May mensahe lang sa mga nakakalaban —

Remember, if you beat us … well, I DOUBT IT! Joke lang!

Show comments