‘Adam’s Apple and Eve’s Drop’

“Ang tama nakakatuwa, pero ang mali… nakakatawa!”

T’yak ang linyang ‘yan inyo pang naaalala,

Sapagkat kung ganon lahat pala’y ayos pa,

Kaya nagbabalik ang WOW… MALI pa rin s’ya!

 

“WOW MALI PA RIN!” — ‘yan na ngayon ang title n’ya,

Tuwing Linggo, eight piyem, sa Singko pa rin s’ya,

At syempre Ang Poet N’yo pa rin ang bibida

Kasama mga MALI-syoso’t MALI-syosa!

 

September 15 na MALI-gayang pagdating,

Next Sunday na pala don’t be MALI-limutin,

MALI-lintikan kayo’t sayang at kayo rin,

Kapag na-miss n’yo ang bagong… “WOW MALI PA RIN!”

 

Ngayon, WOW naman siguro kayo’y isinilang

At dun sa masama ang loob na la’y ewan,

Anupaman, tama o mali ka ba naman

Sa pagkakaalam mo sa ‘yong pinagmulan?

 

Kung paniniwalaan ay dalawa lamang

Ang alam nating ugat ng sangkatauhan —

Ang isa’y Banal na Aklat ang pinagkunan

At isa’y nagmula sa larangan ng Agham.

 

Hanggang sa ngayon nga ay pinagtatalunan

Kung saan lalagay nasa sa iyo na ‘yan,

Dun ka ba papanig sa may Eba at Adan

O dun sa may tsonggo, unggoy at uranggutang?

 

Teka, wala ba kayong napansin man lamang

Sa tatlong salita na huli kong tinuran?

Lahat may Double “G” sa kanilang pangalan,

‘Di kaya GAYA-GAYA ‘yan pinanggalingan?

 

At kahit mandin sa Banal na Kasulatan,

Winangis, hinulma at ginaya rin naman

Ng Dakilang Lumikha ating kaanyuan

Sa Kanyang Sarili ayon sa nalalaman.

 

Kung gayon ay mali pala nasa isipan

Na ang “prostitution is the oldest profession.”

Pagkat kung panggagaya ang pagbabasehan,

PIRACY ang una at walang kokontra d’yan!

 

Ngek na ngek talaga ngunit teka nga lamang,

Ang Poet N’yo sa totoo kung ‘di n’yo alam,

Saradong relihiyoso pero dito lang

Sa usapang “pinagmulan” ay nahihilam.

 

Meron pa ngang nagsabing ang tunay na bilang

Ng Adan daw na nilalang ay ISANDAAN!

At ‘yun din ang dami ng Eba nang tapatan

At kinalat na nga sa buong kamunduhan.

 

Iisa nakita nilang kaitaasan

Subalit iba’t-iba ang kapaligiran,

At ‘yun na simula pagdami ng tauhan

Nang sabay-sabay silang lahat na mag-BIG BANG!

 

At yaon na nga daw ang kapaliwanagan

Kung bakit may itim, puti, dilaw at may brown!

Kaya lahat-lahat kung paniniwalaan

Ay two hundred pala ang unang population!

 

At meron pa ngang isa na may kabigatan

At sa isang ito kilay magtataasan —

Na ikalawang nilalang lang daw si Adan

At nauna si babae… ops, hmmm… teka lang…

 

Kung kaya nga daw “ladies first” ang kasabihan…

At kung iisipin  babae nagsisilang,

At kung s’ya nga ang nauna at “pirated” lang,

Ngek! BABAE din si Boss ibig sabihin n’yan!

 

‘Di kaya “Maykapal” eh MAKE-UP pal? Boss, joke lang!

Well, Ang Poet N’yo ay wala namang tutol d’yan,

At siguro nga the word “EVE” pinanggalingan

Ng “the night before” — eh di nauna nga naman!

 

At dun sa mga hindi pa nakakaalam,

May “Adam’s Apple” rin mga kababaihan,

Kung kaya “kung sino nanukso” ang usapan,

‘Di kaya boys nga’t mas malaki lalamunan?!

 

Ilagay lang natin sa tamang katinuan

At nang tayo rito ay magkaliwanagan,

Bakit nga ba si Eba ang pagbibintangan

Kung “Adam’s Apple” ang itinanong nga naman?!

 

Sa pagkakaalam ko’y may kanya-kanya ‘yan,

At paalala lang ‘di ito kabastusan,

Kung may Adam’s Apple mga kalalakihan,

Ang dibdib po ng babae ay… EVE’S DROP naman!

 

O pa’no kahit meron ngang katotohanan

Na ang lahat naman syempre’y may pinagmulan,

Sa paksang ito’y tila nagkakalabuan…

O, wala bang third option na tayo’y SINGAW lang?!

 

Sa likot at kulit ko ay napansin ko lang —

Letra ng “WANGIS” na “hitsura” kahulugan,

Kapag hinalo-halo’t waring tinimplahan,

Dyararan! SINGAW ang kanyang kalalabasan!

 

At iba na naman ang ibig sabihin n’yan —

Ang Lumikha’y maaaring sumingaw din lang!

Oh no! Isang malaking NGEK! na talaga ‘yan,

ANAK NG PRUTAS! Bakit ‘di n’yo tingnan —

 

MAN SA UNA kaya “MANSANA” pinangalan?

O, BAKULAW NAUNA kaya “BANANA” ‘yan?

O ‘di naman kaya isang combination?

Hindi kaya “APPLE” short for APE PEOPLE naman?!

Show comments