^

PSN Showbiz

Troy, wala na namang girlfriend!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Feeling nasa cloud nine si Piolo Pascual dahil sa lakas sa takilya ng pelikula nila ni Judy Ann Santos, ang Till There Was You. Nakarating na ang balita kay Piolo na breaking-all box-office records ang movie nila ni Juday. Premiere night pa lang ng movie ini-expect na namin na magiging blockbuster talaga ito. Dalawang sinehan ang pinagtanghalan nito sa SM Megamall.

Nu’ng first day of showing, ibinalita sa akin ni Roxy Liquigan ng Star Cinema na smash hit ang movie. Kinagabihan, nakakuha na kami ng official gross. Naka-P13.8 million ito nationwide. Ang nakakagulat, mas malakas pa ang gross ng second day, naka-P15 million ito. Holiday kasi at walang pasok sa opisina.

May dahilan kung bakit talagang malakas ang pelikula. Bukod sa lakas ng tambalan nina Piolo at Juday, talagang maganda ang pelikula. In fact, nu’ng pinanood namin ito sa premiere night, ilang beses kaming naluha. Kuwento kasi ito ng isang bata who hopes na finally ay makita na ang kanyang tunay na ina. Kapag family person ka, tiyak na maluluha ka sa mga eksena. Pawang mahuhusay ang cast ng movie. Bukod kina Piolo at Juday, mahusay ang batang si Eliza Pineda bilang Pipa.

Okey din ang suportang ibinigay nina Gina Pareño, Marissa Delgado, Pen Medina, Angel Jacob, Jennifer Sevilla. Isa ito sa pinakamagandang pelikulang nadirek ni Joyce Bernal.
* * *
Si Christian Bautista ang tinanghal na first grand finalist ng Star In A Million ng ASAP Mania noong Sunday. May tensyon sa studio noong Sunday dahil very critical ito para kina Christian at Sarah Adame. Matindi rin ang bumuo ng board of judges na pinangunahan nina Basil Valdez at Ryan Cayabyab with Johnny Manahan as the chairman of the board.

Nagkatalo lang dahil sa choice of song nina Christian at Sarah. Mas mabigat ang piyesa ni Christian as compared kay Sarah. Idagdag pa na naging very popular na si Christian among the viewers dahil may star appeal ito. Sa katunayan, nang isulat ko sina Sarah at Christian sa column na ito last week, inulan ako ng e-mails requesting for a feature on Christian.

Si Christian ang nakakuha ng pinakamaraming votes sa Texter’s Choice award.

Next Sunday, another set of 5 contestants will be competing. Tulad ng nauna, weekly ay unti-unting mai-eliminate ang contestants hanggang sa may matirang isa.
* * *
Tuluyan na palang naghiwalay sina Troy Montero at Cher Calvin. Last week ay narinig na namin ang balitang ito pero hindi namin nakumpirma. Kinumpirma ito finally ni Troy sa guesting niya sa The Buzz last Sunday. Halatang masakit para kay Troy ang hiwalayan nila ni Cher na mas pinili ang kanyang career sa Fox News sa Las Vegas.

Siyempre, sa balitang ito, agad na pumasok ang pangalan ni Nikki Valdez. Immediately nga ay tinext namin si Nikki if she was aware of the split. Nalungkot ito para kay Troy. Alam na pala nito ang tungkol sa hiwalayan at nagkita na sila ng ex-boyfriend sa isang show sa SM Southmall. Agad naming biniro si Nikki na baka siya pa rin ang babae para kay Troy. Sagot nito, "I’m sorry, masaya na ‘ko!".

Hindi na talaga maswerte sa lovelife si Troy. Sa ilang taon niya sa showbiz, ilang girls na ang na-link sa kanya. Nariyan sina LJ Moreno, Ina Raymundo, Pops Fernandez, Charlene Gonzales, Nikki at si Cher nga.
* * *
For your comments and reactions, you can email me at ericjohnsalut@yahoo. com

ANGEL JACOB

BASIL VALDEZ

BUKOD

CHARLENE GONZALES

CHRISTIAN

JUDAY

NIKKI

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with