16-anyos na ‘missing’ ng 2 araw, ni-rape ng sekyu
MANILA, Philippines — Arestado ang 24-anyos na security guard matapos ireklamo sa dalawang araw na panghahalay diumano sa isang 16-anyos na dalagita, sa Parañaque City, noong Linggo ng madaling araw.
Sa ulat ni Parañaque City Police Station chief, PCol. Nicolas Piñon, ang suspek na si alyas “Jaril”, residente ng Caloocan City, ay nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Parañaque City Prosecutor’s Office matapos ireklamo ng ina ng biktima sa paglabag sa statutory rape kaugnay sa Republic Act 7610 (Child Abuse Act).
Dinakip ng mga tauhan ng Baclaran Police Sub-Station 1 ang suspek alas-4:00 ng madaling araw, sa gas station nitong Agosto 2, sa Macapagal Avenue, sa Brgy. Tambo, Parañaque City.
Sa imbestigasyon, nawawala ang biktima simula noong Hulyo 30, at nang makauwi nitong Agosto 1, nagsabi ito sa nanay na siya ay inabusong sekswal ng suspek sa loob ng boarding house nito sa Parañaque.
- Latest




















