Cute ang ‘manoy’
Dear Dr. Love,
Marami ang nagkakagusto sa akin dahil half Pinoy at half American ako, pero rito ako sa ‘Pinas ipinanganak.
Akala ng iba, ginagamit ko nang maigi ang itsura ko para magkaroon ng maraming babae. Maling akala! Dahil sa totoo lang, talagang friendly ako kahit na sa mga babae.
Kung oobserbahan kung paano ako tingnan ng iba, inaakala nilang nasa akin na ang lahat, kaya hindi raw sila magtatak kung nakailang na akong girlfriend.
Pero sa’yo ko lang aaminin, Dr. Love...hindi pa ako nagkakadyowa at nakakahiya mang aminin, virgin pa ako sa edad kong 25-anyos.
Nasa settling down age na nga raw ako, pero nahihiya pa rin akong manligaw. Ang dahilan, naturingan nga akong may lahing kano, pero maliit naman ang kargada ko.
Tama po ang basa ninyo, cute ang ‘manoy’ ko. Kaya may takot akong pagtawanan at ma-reject ng kahit sinong babae.
May type nga po akong girl, pero wala akong lakas ng loob na manligaw dahil alam kong mate-turn off lang ang babae kapag nakita nila ang lihim ko.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Marco
Dear Marco,
Huwag ka masyadong mag-over think. Kung talagang mahal ka ng babae ay tatanggapin niya ang kalagayan mo.
Bakit hindi mo rin subukan ang magpatingin sa doktor. Moderno na medisina, kaya posibleng may tiyak na paraan ngayon para matulungan ka kung paano mabanat si manoy at nang mawala ang iyong takot at pag-aalala sa iyong pagkalalaki.
Dr. Love
- Latest




















