^

Dr. Love

Problema ang anak

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Ako si Mila, 59-anyos at biyuda na. Namatay ang asawa ko last year. Ang problema ko ngayon ay ang aking anak na panganay. Kahit anong paggiya ko sa kanya para maiiwas sa tiyak na pasakit, dun pa rin ang landas na pinili niya. Ang saklap lang dahil bilang ina, alam kong hindi siya ok kung nasaan siya ngayon.

Ang nangyari kasi, Dr. Love…naghiwalay sila ng kanyang asawa. Inakala ko na magdudulot ito ng barrier para magkaroon siya ng pagdadalawang-isip kung muling lumantad ang pagkakataon na pumasok uli sa isang relasyon.

Pero nagkamali ako, dahil nabalitaan ko na lang na may kinakasama na siya. Tatanggapin ko na nga sana, kung napunta siya sa responsableng binata.

Kaya lang, mukhang mas naging malala ang kalagayan niya dahil may asawa ang kalive-in niya. Hay, naku!

Noon una pa man, hayagan ang pagtutuol ko. At sinisikap kong gawin ang posibleng paraan nang pakikipag-usap sa aking anak para pakinggan niya ang pagbabawal ko sa kanya na huwag siya pumatol sa may asawa, dahil malaking kasalanan ‘yun sa Diyos. Malungkot man, hindi ako pinakinggan ng anak ko, Dr. Love.

Ayun, ang balita ko ay madalas siyang sinasaktan ng ka-live in niya. Kaya heto ako, walang kapanatagan sa isip. Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin. Maraming salamat na po agad.

Mila

Dear Mila,

Ramdam ko ang struggle ng kalooban mo bilang ina na nababahala sa kalagayan ng iyong anak. Sa totoo lang hindi lahat ng ina ay kagaya ng puso mo para sa isang anak na sumuway.

Ang nangyayari sa anak mo ay karaniwang obserbasyon sa mga asawa na hiniwalayan ng kanilang kabiyak— ang magkaroon ng rebeldeng puso. Bagay na lalong naglagay sa kanya sa komplikadong situwasyon.

Maaaring sabihin ng iba na nasa hustong gulang na ang anak at ginawa mo na ang iyong parte bilang magulang, kaya hayaan mong matuto siya sa desisyon niya. Pwede naman ‘yan. Pero ibang usapan ang pananakit na maaaring malinaw na banta sa kaligtasan ng iyong anak.

Ang payo ko ay alamin mo ang totoo, kung tunay ngang sinasaktan siya ng ka-live in niya. Kapag nakumpirma mo, sikapin mo na makausap ang iyong anak para maiparating mo sa kanya ang iyong saloobin, at malaman mo rin kung paano niya dinadala ang situwasyon.

Kung sakaling walang balak na magdemanda ang iyong anak, bilang magulang ay magagawa mong ikaw ang maghabla sa la-laking nagbubuhat ng kamay sa kanya, para maputol ang kalupitan niya.

Maaaring maging pagkakataon mo na rin ito para maiuwi ang iyong anak at patuloy nama-
ging ina sa kanya. Ilakip mo sa bawat plano mo para sa iyong anak ang taimtim na palangin, na buksan ng Diyos ang isip niya sa mga maling desisyon para maitama ito. Kasama mo ako sa panalangin.

Dr. Love

MILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with