^

Police Metro

‘Force majeure’ ni Robin sa remote voting, katawa-tawa - UP Law prof

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binatikos ng isang University of the Philippines (UP) Law professor ang umano’y katawa-tawang interpretasyon ni Senador Robin Padilla sa pagpapahintulot sa isang puganteng Senador na makaboto nang walang presensya sa sesyon sa plenaryo sa Senado at sa isasagawang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang radio interview, kinontra ni UP Assistant Professor Michael Tiu Jr. ang panukala ni Padilla na amyendahan ang panuntunan ng Senado at palitan ang kahulugan ng “force majeure” na tumutukoy sa mga hindi inaasahang pangyayari, kalamidad o mga emergency na aniya’y paglilihis sa legal na konsepto.

Sa paliwanag ni Tiu, hindi dapat simple ang interpretasyon dahil magbibigay benepisyo lamang ito sa ilang Senador.

Giit ni Tiu, kahit na nagbigay pa ng mga halimbawa si Padilla na La Niña at sigalot sa Middle East bilang force majeure, ang nasabing mga events ay dapat nakaapekto sa lahat ng Pilipino at ang akomodasyon ay para dapat sa lahat at hind isa iilang Senador lamang.

Binigyang diin ni Tiu na ang COVID-19 pandemic ang isang malinaw na ha­limbawa ng force majeure na maaaring mai-apply sa konteksto ng batas sa Pilipinas.

UP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with