^

Dr. Love

Inirereto sa may edad

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Vheni, 27 years old, dalaga at mula sa isang mahirap na pamilya. Dahil sa kahirapan, gusto nila ay makapangasawa ako ng may kaya. Gusto ko rin po silang maiahon sa hirap.

Kamakailan ay dumating ang uncle kong Canadian citizen. Malaki ang naitulong niya sa amin at gusto rin niyang tulungan akong makahanap ng “greener pasture”. May kamag-anak siya na isa ring Canadian citizen at gusto niyang magpakasal ako sa lalaking ‘yun na halos tatay ko na. Dala na rin sa tulong na naibigay ng uncle ko sa amin ay napa-oo ako, kaya sa pagbabalik niya uli ay isasama na niya ang lalaking iyon. Ano ang dapat kong sundin, ang puso ko, ang pamilya ko o ang kinabukasan ko?

Vheni

Dear Vheni,

Sundin mo ang tama. Money is not everything. Kung mag-aasawa ang isang tao, importante na may namamagitang pag-ibig. Anong buti ang mapapala mo kung multi-milyonaryo nga pero habambuhay mong kapiling ang isang taong hindi mo naman mahal? Sabihin mo sa uncle mo na wala munang commitment sa lalaking inirereto niya sa’yo.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with