^

Dr. Love

Nasasakal na sa girlfriend

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong taon na kami ng girlfriend ko, pero dahil may trabaho na ako ay nabawasan na ang time naming magkasama dahil nangu-ngupahan ako ngayon sa Manila.

Dahil bukod sa matagal ang biyahe mula Laguna ay nagmahal na rin ang pamasahe. Kaya nakisiksik ako sa bahay ng katrabaho ko bilang bedspacer.

Pero iba naman ang naiisip ng girlfriend ko, na napapapraning kapag hindi ako nakakasagot sa mga text at tawag niya.

‘Yung pamilya ko nga hindi ko rin regular na ma-text dahil sa kabisihan at pagod ko na itinutulog ko na lang.

Ayaw maniwala ng girlfriend ko na kesyo may iba na raw ako. Ayaw kong i-tolerate ang ugali ng girlfriend ko na walang tiwala sa akin.

Nasasakal na ko sa pagiging demanding niya, hindi naman ng lahat ng oras ay avai-lable ako.

Ano gagawin ko para mapaliwanagan ko siya?

Bennie

Dear Bennie

Naiintindihan ko ang bigat ng sitwasyon mo—trabaho, distansya, at pagod, tapos may pressure pa mula sa girlfriend mo.

Ang problema ninyo ay hindi lang tungkol sa oras, kundi sa tiwala at komunikasyon. Ipaliwanag mo sa kanya na ang pagbabago ng oras mo ay dahil sa trabaho at hindi dahil sa ibang tao.

Ipakita ang effort kahit simpleng “good morning” o “good night” text, malaking bagay na ‘yun para maramdaman niyang priority pa rin siya.

Sabihin mo kung anong oras ka karaniwang busy o tulog, para hindi siya mag-alala kapag hindi ka agad nakakasagot.

Hindi rin dapat tino-tolerate ang paranoia. Kung paulit-ulit siyang nag-aakusa, ipaalam mo na hindi healthy sa relasyon ang ganitong ugali.

Tanungin mo siya kung paano ninyo pwedeng ayusin ang trust issues niya—baka kailangan lang niya ng reassurance.

Gumawa kayo ng fixed bonding time (halimbawa, video call tuwing weekend). Magplano ng regular na pagkikita kahit hindi madalas, basta may inaabangan siya.

Kung hindi pa rin siya makinig, baka kaila-ngan mong tanungin ang sarili mo kung handa ka pang magpatuloy sa relasyon na kulang sa tiwala.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with