Gustong magnegosyo

Dear Dr. Love,

Ako po si Marilou.  Gusto ko sanang mag-start ng selling business. Buy and sell ng kahit na ano. Online at pwedeng ang bahay namin ang gawing store.

Kaso natatakot si mister dahil medyo may edad na kami to start a business.

Kaka-retired lang ni mister sa trabaho niya at nakatanggap siya ng eight hundred thousand. Pwedeng pwede na sana.

Ang inisip niya baka maubos lang ang pera namin kung hindi namin ma- manage ng maayos ang business namin.

Gusto ko lang kasi na maging productive kaming mag-asawa dahil wala na kaming pagkakaabalahan.

Marilou

Dear Marilou,

Tama naman ang mister mo. Pag-aralan muna ninyo ang business na papasukin ninyo. Kikita ba kayo talaga o ‘yun nga, baka mapunta lang sa wala.

Kapag sigurado na kayo sa inyong gagawing business. Magsimula muna kayo sa maliit na kapital.

Unti-unti ninyong palaguin. Mahirap talaga ang sumabak agad sa business na hindi pa ninyo gamay.

Mainam nga kung talagang essential ang gagawin ninyong business.

Hinay-hinay lang sa desisyon kapag pera na ang pag-uusapan.

Ang maganda, magkasundo kayong dalawa kung ano ang babagay sa inyo.

Marami naman mapagkukunan ng mga kaalaman sa social media.

Patok dyan ang youtube at fb.

Magtanong, suriin at tiyakin ninyo ang lahat ng binabalak ninyo.

DR. LOVE

Show comments