^

Dr. Love

Hindi gusto ng biyenan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Chona. Alam ko namang hindi ako gusto ng biyenan kong babae. May girlfriend ang mister ko noon na dapat na mapapangasawa na niya.

Pero nang magkakilala kami ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Ayokong tanggapin na mang-aagaw ako dahil hindi ako ang lumapit sa kanya noong una kaming nagkita.

Nagsimula lang ‘yun sa pagtulong niya sa’kin nang may isang mamang sumusunod sa akin tapos nakita niya akong takot na tumatakbo sa walkway ng isang mall.

Kaya sa takot ko, hinila ko ang kanyang braso at sinabi kong tulungan niya ako.

Hindi ko naman alam na engage na sila ng gf niya. Dahil sa tuwa ko, inaya ko siyang kumain sa isang fastfood at nagkwentuhan kami. Wala pa kaming malalim na pagkikilanlan noon. Hanggang sa kinuha niya ang fb account ko at naging ka-chat ko siya sa messenger.

Hayun, nawili na siya sa akin dahil naging magkaibigan kami na hindi ko alam na engage na siya.

Hanggang naging kami na at inamin na ng mister ko na mayroon na siyang babaeng papakasalan dapat. Pero dahil sa malayo siya sa kanya kaya kami ang naging close.

Hayun nga, kaya inis na inis ang biyenan ko sa akin. Mang-aagaw raw ako at hindi sila masaya sa akin.

Kahit nung oras ng aming kasal ay hindi masaya ang biyenan ko hanggang ngayon na halos five years na kami ng mister ko bilang mag-asawa.

Mabuti pa ang biyenan kong lalaki tanggap ako.

Chona

Dear Chona,

Siguro naman sa tagal na nang maging mag-asawa kayo ng anak ay unti-unti na ring mawawala ang pagkadismaya ng biyenan mong babae sa inyo. Kutob ko pati sa mister mo nagtatampo ang nanay niya.

Hangga’t maaari gumawa kayo ng mister mo ng paraan para magustuhan ka ng bi-yenan mo.

Kung may naririnig ka mang hindi maganda ay isantabi mo na lang. Mas mag-focus ka sa magagawa mong mabuti para mga biyenan mo.

Ipagluto mo sila ng masarap mong putahe o kaya ipasyal ninyo sila kasama ang kanilang apo. Lagi kang magpakumbaba at sundin sila, ‘yan ang pinakamainam. Samahan mo rin ng dasal na maunawaan ka na niya.

Kung ang lahat ay ginawa mo na eh, tanggapin mo na kahit masungit ang biyenan mo sa iyo ay nanay pa rin siya ng mister mo.

DR. LOVE

vuukle comment

CHONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with