^

Dr. Love

Nabuntis ng ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gulung-gulo ang utak ko at hindi ko malaman ang gagawin ko, Dr. Love. Dalawang taon nang nagtatrabaho sa Italy ang mister ko nang magkabalikan kami ng ex-boyfriend ko.

Nabuntis ako ng dati kong kasintahan kahit umiinom ako ng contraceptive. Ngayon ay uuwi sa December ang asawa ko at natatakot ako sa maaaring mangyari.

Ipinayo ng ex ko na ipalaglag ko ang dinadala ko pero natatakot ako dahil ‘yun ang ikinamatay ng best friend ko. Tulungan mo po ako sa dapat kong gawin.

Amina

Dear Amina,

Isa lang ang tama na dapat mong gawin. Huwag mong patayin ang bata na walang kasalanan sa ginawa mong pagtataksil.

Matakot ka sa Diyos dahil krimen ang gagawin mong pagpaslang sa inosenteng buhay. Isa pa, ang abortion ay labag din sa batas ng tao.

Pagdating ng mister mo, sabihin mo ang totoo at humingi ka ng tawad. Ano man ang posibleng consequence ng pagtatapat mo ay tanggapin mo. Kung patatawarin ka niya wala ka ng problema. Kung hindi, at least ginawa mo ang tama para ituwid ang isang pagkakamali.

Dr. Love

vuukle comment

PREGNANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with