^

Dr. Love

Nagkatagpo sa dating apps

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Peter. Nakilala ko ang aking gf sa social media. Actually sa dating apps.

Noong una, biro-biro lang talaga ang pakay ko, hindi ko rin naman sigurado kung seryoso din ang girl sa akin.

Pero kinalaunan naging close kami sa isa’t isa online at dumating na ang panahon na nag-meet kami.

Natawa at nagulat nga siya dahil sa picture ko sa online, ang payat ko. Doble nga raw ang katawan ko in person.

Marami kaming napag-uusapan at nagi-ging malalim ang aming ugnayan hanggang sa sagutin na nga niya ako.

Ang worry niya, na lagi niyang sinasabi baka raw kapag nakakita ako ng ibang girl na mas maganda at sexy sa dating apps eh bigla ko na lang daw siya iwan.

Sinabi ko sa kanya na nagpapasalamat nga ako dahil kundi sa dating app na iyon ay hindi ko siya makikilala.

Never ko namang inisip sa kanya ang ganon. Happy naman ako na unti-unti na siyang nagiging masaya sa relationship namin.

Gusto ko lang talagang magpasalamat kay Lord at syempre sa dating apps, kung hindi ako nag-search nang nag-search ay hindi ko siya makikilala.

Peter

Dear Peter,

Grabe ang galing ng ginawang paraan ni Lord para pagtagpuin kayo. May hindi nagiging successful sa mga ganyang apps.

Pero kayo talaga ang nakatakda. Laging may paraan ang tadhana.

Basta ingatan mo ang tiwalang ibinigay sa iyo ng gf mo. Ituring mong challenge ang sinasabi niyang pangamba na baka ipagpalit mo siya sa iba.  Kung mahal mo naman, bakit nga ba? Always be true to her.

Patunayan ninyo na hindi lahat ng pumupunta sa dating apps ay nabibigo. Mayroon ding nagkakatuluyan.

DR. LOVE

vuukle comment

PETER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with