^

Dr. Love

Waldas na Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Ariel. Nagkamali ako. Alam ko na hindi ko dapat ginawa iyon sa misis ko. Nag-away kami dahil lamang sa pera at bisyo ko.

Actually naipon ko naman iyon sa pagha-hanap-buhay ko sa ibang bansa. Almost 6 years akong nagtrabaho sa Japan bilang waiter. Isa sa mga naging bisyo ko ang pag-inom ng alak.

Hanggang sa umuwi ako rito sa Pinas. Wala akong inatupag kundi ang uminom nang uminom.

Noong una, pinagsasabihan pa niya ako. Pero hindi ako nakikinig. Panay ang good time ko sa mga kumpare ko. Paalala niya sa akin, na baka hindi pa ako nakakabalik sa Japan ay maubos ko na ang ipon ko.

Inaamin ko naman na waldas ako nang waldas.

Nasabihan ko siya na huwag niya akong pakialaman dahil bago pa man kami nagka-kilala ay may pera na ako.

‘Yun ang ikinagalit niya sa akin. Umalis siya ng madaling araw at umuwi sa kanila. Hinayaan ko lang siya dahil alam kong babalik din siya, pero hindi ko matiis ang aming anak.

Alam kong nagkamali ako at gusto kong ipangako sa kanya na pakikinggan ko na ang mga sasabihin niya.

Iiwasan ko na ang aking bisyo.  Pero sa ngayon, hindi pa siya bumabalik. Gusto ko na sana siyang puntahan pero nahihiya ako sa biyenan ko.

Naguguluhan pa rin ako, sana matulungan ninyo ako.

Ariel

Dear Ariel,

Kung seryoso ka sa pagsisisi mo, ano ang kinakatakot mo para hindi puntahan ang misis mo?  Huwag mong alalahanin ang sasabihin sa iyo ng iba.

Kung pinaranas mo sa misis mo ang hindi pakinggan, ngayon ikaw naman ang makakaranas nito kung talagang ayaw pang bumalik ng misis mo.

Ngunit kung magsisikap kang maayos ang sitwasyon ninyong dalawa, makikita ng misis mo ang iyong sinseridad.

Ano ba ang tunay na makapagpapasaya sa iyo, ang barkada mo, ang pera mo o ang misis mo?

Para na rin ito sa lahat ng mag-asawa. Huwag sanang ma-ging sanhi ng inyong hindi pagkakasundo ang anumang bagay. Paano nga naman kung maubos na ang pera ninyo, paano ang pamilya ninyo?

DR. LOVE

vuukle comment

ARIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with