^

Dr. Love

Madilim ang kahapon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Celine, hindi ko totoong pangalan. May madilim akong kahapon dahil dati akong nagbebenta ng panandaliang aliw. Mahirap lang kasi kami at gusto kong makatapos ng kolehiyo. Nang maka-graduate na ako ng kursong political science at nakahanap ng disenteng trabaho, huminto na ako sa dati kong gawain.

Dito ko nakilala si Donan.  Alam niya ang pinagdaanan ko pero nauunawaan niya ang lahat at tinanggap pa rin ako sa kabila ng aking nakaraan.  Desidido kaming magpakasal at nang sabihin niya ang balak na mag-asawa, natuwa pa ang tatay niya.

Sa isang kilalang restauran nag-arrange si Donan ng get-together kasama ang kanyang tatay na isang negosyante at kilalang mataas sa lipunan. Ulila na sa ina si Donan at ako naman ay nag-iisa na rin sa buhay dahil wala ng mga magulang.

Laking gulat ko dahil magkakilala kami ng kanyang tatay, na dati kong nakarelasyon at nagsustento sa aking pag-aaral noon.  Nagpahayag ng pagtutol sa aming pagpapakasal ang ama ni Donan. Cool naman siya sa pagsasalita at mapagpakumbabang inamin ang kanyang kasalanan kay Donan.

Sa kabila nito, sinabi ng kanyang tatay na, na kay Donan ang desisyon. Sabi ni Donan, walang halaga kung ano man ang nakaraan ko at handa pa rin akong pakasalan. Ngunit ako ang naguguluhan ngayon. Dapat ko bang ituloy ang balak naming pagpapakasal?

Celine

Dear Celine,

Ang nakaraan ay nakaraan na. Kung binibigyang laya ng kanyang ama si Donan na magpasya kung pakakasalan ka niya o hindi, walang masama kung itutuloy ninyo ang inyong balak.

Ikaw ay biktima ng masasaklap na pangyayari. Mahirap ka na may ambisyong makapagtapos, kaya napilitan gumawa ng bagay na hindi nararapat, bagay na pinagsisisihan mo na marahil.

Sana huwag kang tularan ng iba. Dahil  marami namang disenteng trabaho na puwedeng pasukan bukod sa pagbebenta ng aliw. Pero ang lumipas ay tapos na. Kung nagmamahalan kayo ni Donan, ituloy ninyo ang inyong naunang balak.

Dr. Love

vuukle comment

DONAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with