^

Dr. Love

Naghihinala si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sumulat ako dahil sa problema ko sa anak ko. Isa po akong engineering consultant sa isang malaking kompanya sa Germany. Limang taon na ako rito at minsan pa lang ako nakauwi ng Pilipinas. Hindi na nasundan ito nang dahil sa pandemic.

Itago n’yo na lang ako sa pangalang Hanzel.

Kahit pwede kong isama ang asawa ko at dalawang anak dito, ang misis ko ang ayaw. Mas mabuti raw na ang aming mga anak na hindi mabago ang kulturang Pilipino.

Malaki ang pag-unlad ng kabuhayan namin. Nakapagtayo kami ng magarang tahanan sa isang exclusive subdivision at sa international school nag-aaral ang aking mga anak.

Pero kinakabahan ako. Kasi inagaw ko lang ang misis ko sa kanyang ex-boyfriend na muntik na niyang pakasalan. Sa kabila nito, nang ligawan ko siya ay madali ko siyang nakuha.

Kinakabahan tuloy ako na baka maagaw siyang muli sa akin. Naniniwala ba kayo sa karma?

Pagpayuhan po ninyo ako.

Hanzel

Dear Hanzel,

Kung nagtataksil sa iyo ang misis mo, ma-lamang wala kayong magarang bahay sa exclusive subdivision. Pero nakapagpundar kayong mag-asawa kahit magkalayo kayo.

Malamang din na hindi makapag-aaral sa magandang paaralan ang mga anak mo kung nanlalalaki ang iyong asawa.

Nakokonsensya ka lang siguro dahil tulad ng nasabi mo, nang-agaw ka ng girlfriend ng iba.

Maswerte ka nga at kahit nakatakda siyang ikasal sa iba ay pinili ka pa rin niya.

Ang payo ko, pawiin mo ang iyong hinala alang-alang sa ikapapanatag ng iyong damdamin.

Mapalad ka dahil uliran at masikap ang babaeng pinili mong maging asawa. Sa pag-ibig, mahalaga ang pagtitiwala ng bawat isa.

Dr. Love

HANZEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with