^

Dr. Love

Dahil sa bad breathe

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May tatlong buwan na ang aming relasyon ng aking boyfriend na si Cris. Guwapo siya, maginoo at matatawag na isang ulirang partner.

Tawagin mo na lang akong Tetang, 22-anyos at isa bank teller. Si Cris ay depositor sa bangko na pinatatrabahuhan ko at doon kami nagkakilala.

Nagkapalagayan kami ng loob at minsan niyaya niya akong mag-dinner sa labas at pumayag ako. Doon niya ako sinimulang ligawan.

Very neat siya sa pangangatawan at pananamit, at agad akong nagkagusto sa kanya at nagsimula ang aming relasyon.

Pero may bagay akong napuna sa paglipas ng panahon. Hindi kanais-nais ang hininga niya. Sinabihan ko siya at nang mga sumunod na araw ay na wala ang bad breath. Ngunit habang tumatagal kaming magkasama sa isang araw, bumabalik ang mabaho niyang hininga.

Nang sabihan ko siya muli, nagalit na siya sa akin. Constructive naman ang puna ko. Nakipag-break siya sa akin na tinanggap ko naman kahit masakit sa loob ko. Kinabukasan ay humingi siya ng tawad sa akin pero sabi ko, tapusin na lang namin ang lahat. Patuloy niya akong sinusuyo. Tatanggapin ko pa ba siya?

Tetang

Dear Tetang,

Bakit naman hindi? Maaaring he felt insulted nang sabihan mo siya tungkol sa kanyang bad breath.

Kung hindi nawawala ang bad breath kahit anong mouthwash ang gamitin, siguro mayroon siyang internal na sakit na nagiging sanhi ng kanyang mabahong hininga. 

Dapat siyang magpatingin sa espesyalista upang matuldukan na ang kanyang bad breath. Iyan ang imungkahi mo sa kanya.

Dr. Love

 

 

 

vuukle comment

BAD BREATHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with